Anak na binenta noon ng ama sa halagang ₱500, umayos ang buhay at naging misyonaryo

Anak na binenta noon ng ama sa halagang ₱500, umayos ang buhay at naging misyonaryo

- Binahagi ni dating batang lansangan na si Florante “Paulo” Talampas ang buhay niyang kapupulutan ng inspirasyon

- Binenta siya ng lasenggero niyang ama sa halagang ₱500 at doon nagsimula ang kalbaryo ng kanyang buhay

- Nang siya ay mapunta sa shelter na Deri Husi, tuluyan nang nagkaroon ng diresksyon ang dati niyang magulong buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di naging madali ang buhay para sa dating batang lansangan na si Florante “Paulo” Talampas. Sanggol pa lamang siya binenta siya ng kanyang lasenggerong ama sa halagang ₱500.

Ayon sa Rappler, noon pa lang nagsimula na ang masalimuot niyang buhay. Kung sino sino na ang nag-aruga kay Paolo. Nakaranas din umano siya ng pagmamaltrato ng isa sa mga kumupkop sa kanya.

Naging laman ng kalasada si Paolo. Nabuhay siya sa pangangalakal na siyang pinagkukunan niya ng pangkain sa araw-araw.

Kwento ni Paolo, alam niyang iba siya sa ibang batang lansangan dahil sa ni minsan di siya nakaisip na gumamit ng droga at ibang masamang bisyo.

Ang tanging maituturing lamang niyang bisyo ay ang paglalaro ng computer/video games. Wala raw nakikitang masam rito si Paolo dahil minsan, doon pa siya sumisilong upang matulugan sa gabi.

Ngunit nang mapadpad sa Deri Husi halfway house in Barangay Nazareth noong 2010, unti-unti nagkaroon ng direksyon ang kanyang buhay.

Sa shelter na ito, natuklasan ni Paolo ang kanyang talento na nagamit niya upang kumita ng pera. Dahil sa marunong pala siyang mag-beatbox, nakakuha sila ng mga gigs at shows sa lugar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod dito, naging misyonaryo na rin si Paolo at isa sa mga proyekto niya ay ang pagtulong sa mga biktima ng bagyong Sendong. Dito nakakilala pa siya ng iba pang mga misyonaryo at mga pastor na magiging daan pala sa mas malawak na oportunidad sa pagtulong sa kapwa.

Si Pastor Jun Managantan ang gumabay sa kanya sa iba't ibang mga gawain na magpapalawig sa kanyang pagiging isang misyonaryo.

2012 nang nagsimula siyang sumama sa mga summer youth camps at doon mas naging makabulihan ang kanyang paglilngkod sa kapwa kabataan.

Nang taon ding iyon, nag-full-time student na siya at nakakuha ng diploma sa Bibliya.

Masasabi niyang tuluyang nagbago ang kanyang buhay at napalapit pa siya sa Panginoon.

Sa ngayon, nagbabalak si Paolo na makapag-aral muli sa ilalim ng Alternative Learning System ng DepEd nang sa gayon ay makakuha na siya ng kursong Theology. GUmagawa na rin siya ng paraan na makilala ang kanyang ina kung nasaan man daw ito naroon.

Naghihintay na lang din si Paolo na aprubahan ang pagiging opisyal niyang misyonaryo sa Youth with a Mission (YWAM).

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng pagsanib ng 16-anyos na ginahasa umano sa 1 bata, viral

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel