Mga residente sa isang brgy sa Cavite, ganadong mag-ipon ng plastik kapalit bigas

Mga residente sa isang brgy sa Cavite, ganadong mag-ipon ng plastik kapalit bigas

- Ganadong mag-ipon ng mga plastik ang mga taga Brgy. Talon, Amadeo, Cavite dahil sa kapalit nitong bigas

- Proyekto ito ng barangay nang sa ganon ay maipon ang mga plastik na siyang gagamitin ding eco-blocks

- Malaking tulong daw ito sa mga residente lalo na sa mahal ng bigas ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

1 kilong plastik kapalit ang 1 kilong bigas ang patok ngayong proyekto ng brgy. Talon sa Amadeo, Cavite.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, ganado ang mga residente ng naturang barangay dahil sa konseptong ito na malaki ang maitutulong sa bawat pamilya roon.

Sa ganitong paraan, masosolusyunan din ang problema sa dumaraming basura sa kanilang barangay.

Maraming residente ang nakikiisa sa programang ito dahil sa mahal ng bigas ngayon, malaking bagay na ang isang kilong bigas kada isang kilong plastik na kanilang maiipon.

Samantala, ang mga naipon namang plastik ay ginugupit gupit ng mga kabataan ng barangay at nilalagay din sa plastik na bote upang maging "eco-blocks."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Mahal na po kasi ang bigas ngayon, nasa P60 hanggang P65, at least ito, iipunin lang namin ang basura," kwento ng isang residente.

Sana raw ay pamarisan din ito ng ibang barangay upang tuluyan nang masolusyunan ng ating bansa ang problema sa basura at malatutulong pa sa problema ng bawat pamilya sa mahap na ng bilihin ngayon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel