Dalagita na nambugbog sa di pala nila mismong kaaway, nagsisisi na at napag-utusan lang daw

Dalagita na nambugbog sa di pala nila mismong kaaway, nagsisisi na at napag-utusan lang daw

- Sising sisi na raw ang dalagita na nambugbog sa isa ring dalagitang di pala nila kaaway talaga

- Di raw sumipot ang mismong kaaway nila at naaktuhan lang ang isa pang dalagitang nakilalang si "Althea"

- Paliwanag ng may sala, napag-utusan lamang daw siya kaya niya ito nagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang paghingi umano ng tawad ng dalagita sa viral video na nambugbog sa walang kalaban laban na isa pang dalagita na hindi pa mismo nila kaaway.

Nakilala ang may sala na si Keith Jeda Angeles na siyang nanadyak, nanabunot at nanakit sa dalagitang si "Althea".

Makikita sa video na naglalakad lamang si Althea, nang biglang sabayan ito ng mga kasama ni Keith. Maya maya pa hinila na ang buhok ni Althea at sinundan na ito ng pananakit ni Keith.

Sa mismong post, sinabi na rin na di pala si Althea ang "inaabangan" ng grupo ng mga dalagita, kaya lumalabas na napag-tripan lamang ito dahil sa di sumipot ang kaaway talaga nila.

Sa takot na ma-DSWD, sinubukang magmakaawa ni Keith sa nakausap nitong kamag-anak ni Althea.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Paliwanag pa ni Keith na di raw niya ito kagustuhang gawin at napag-utusan lamang siya. Ngunit aminado din naman ito na nangyari na at nagawa na niya ang pagkakamaling labis daw niyang pinagsisihan.

Samantala, maging ang mga netizens ay di mapigilang magngitngit sa galit sa ginawa ni Keith sa walang kalaban labang si Althea.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"napapala ng mayayabang na ganyan hahaha kalay talagang may mapapatunayan pag nambugbug sila padswd na yan"
"Tama ikulong nyn .. gawan agd Ng aksyon ..nag'aral pa kng gnyn lng nmn gngwa .."
"Ang yayabang ng mga yang kung makapanuntok tapos tatakbo din nman pala!!! Ipakulong yang mga yan dapat ang lakas ng loob niyo !!!"
"Ang yayabang ng mga yang kung makapanuntok tapos tatakbo din nman pala!!! Ipakulong yang mga yan dapat ang lakas ng loob niyo !!!"
"Hay naku te gawan mo po ng aksyon yn te gagawin at gagawin p nila sa iba yn te pls... wg pong baliwain ..."
"Hay naku te gawan mo po ng aksyon yn te gagawin at gagawin p nila sa iba yn te pls... wg pong baliwain ..."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking Iglesia ni Cristo, 'di na inuwian si legit para kay kabit

Reklamo ni legit, mas marami umanong naipundar si mister kay kabit

Reklamo ni legit, mas marami umanong naipundar si mister kay kabit
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel