Ina, emosyonal na binahagi ang iba't ibang "pag-iwan" sa kanya ng mga anak

Ina, emosyonal na binahagi ang iba't ibang "pag-iwan" sa kanya ng mga anak

- Binahagi ng isang ina ang kanyang pinagdaanan nang siya ay iwanan ng kanyang mga anak

- Tanggap naman daw niya na darating sa puntong magkakanya-kanya na ang mga anak ngunit isa sa mga ito ay di na muling babalik

- Kung nabubuhay man daw ang kanyang isang anak na si "Luijoe" marahil di rin nalalayo ang maaring gawin nito sa mga ginagawa ng mga kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halo-halong emosyon ang pinahihiwatig ng ina na si Noemi Lardizabal-Dado na nakaranas iwanan ng anak makailang beses na.

Aminado siyang nami-miss ng husto ang mga anak ngunit pinaghandaan din naman daw niya talaga ang pagdating ng araw na ito.

Sa kanyang blog na "When the children leave", kinuwento niya kung paano siya naging masaya ay nalungkot sa pagkawalay sa mga anak.

Dedikadong ina si Noemi at talagang binuhos niya ang kanyang oras sa pag-aalaga sa mga anak. Iniwan niya ang kanyang propesyon upang matutukan ang kanyang tatlong anak.

Nang magkolehiyo ang kanyang panganay at pangalawang anak na pawang mga babae, naka-dorm ito sa Quezon City dahil sa sila ay nakatira pa sa Makati. Di pa gaanong ramdam noon ni Noemi ang pangungulila sa mga anak dahil sa nakaksama naman niya ito tuwing Sabado at Linggo.

Ina, emosyonal na binahagi ang iba't ibang "pag-iwan" sa kanya ng mga anak

source: supplied

2010 nang magsimulang "iwan" siya ng kanyang pangalawang anak. Umalis ito patungong Australia para magtrabaho at para simulan ang kanyang post-graduate studies.

Masasabi niyang "semi-empty" na ang kanilang tahanan dahil sa malayo na ang isa sa kanyang mga anak.

Ang panganay naman niya ay nagsarili na rin at kumuha ng sarili niyang condominium na kung tawagin niya ay "shoebox". Di naman tutol dito si Noemi at katunayan, proud pa siya dahil sa edad na 22, mayroon nang investment ang kanyang anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hanggang sa tuluyan nang naging OFW ang pangalawa niyang anak sa Germany. Marami na rin kasi itong academic achievements kaya naman walang pasidlan ng kaligayahan ang ina.

Ang mga bagay naman daw na ito ay pinaghandaan ni Noemi. Alam niya na darating talaga ang araw na bubukod, hihiwalay at magkakaroon ng sariling pamilya ang kanyang mga anak.

Masaya siya sa para sa panganay at pangalawang anak niya na namamayagpag ang tagumpay sa buhay kahit pa malayo na ang mga ito sa kanilang mag-asawa.

Ngunit tila ang ang pag-iwan sa kanya ng kanyang bunso ang di niya napaghandaan. Labis na lungkot ang sakit ang kanyang nadama na iniwan sila noong taong 2000.

Ina, emosyonal na binahagi ang iba't ibang "pag-iwan" sa kanya ng mga anak

source: supplied

Iniisip ni Noemi, marahil di rin nalalayo sa piniling pamumuhay ng kanyang mga ate ang estado ngayon ni "Luijoe" kung siya lamang ay nabubuhay pa.

Sa tuwing maiisip niya ito. nadudurog talaga ang kanyang puso. Labis ang pighati ng isang ina na "iwan" ng kanyang anak na kailanman ay di na ya muling makakapiling dito sa mundo.

Sa kabila nito, mananatili sa puso ni Noemi ang alaala ng kanyang bunsong si Luijoe at alam niya na gaya ng nadarama sa "pag-iwan" sa kanya ng dalawang anak para ipagpatuloy ang karera nila sa buhay, matatanggap din niya ang paglisan ng kanyang bunsong anak balang araw.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel