Diego Loyzaga, nagsalita na tungkol sa balitang nagtangka siyang magpakamatay

Diego Loyzaga, nagsalita na tungkol sa balitang nagtangka siyang magpakamatay

- Sumagot na si Diego Loyzaga tungkol sa balitang diumao ay nagtangka siyang magpakamatay

- Matatandaang unang lumabas ang balita sa pamamagitan ng isang blind item

- Kinalaunan ay pinangalanang si Diego Loyzaga umano ang tinutukoy sa mga balita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging maugong ang usap-usapan tungkol sa isang aktor na diumano ay nagtangakang magpakamatay sa pamamagitan gn paglaslas ng leeg at pulso.

Napag-usapan nina Jhai Ho, Roxy Liquigan at MJ Felipe ang napabalitang tangkang pagpapakamatay diumano ni Diego Loyzaga. Ayon kay MJ, isang mapagkakatiwalaang source ang nagpadala ng text sa kanya ng, “MJ, naglaslas ng pulso at leeg si Diego.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tinawagan din diumano ni MJ ang Star Magic para kumpirmahin ang balita ngunit wala daw itong naging tugon hanggang sa naglabasan na ang mga blind items kinaumagahan ng November 8.

Lumabas na ang pangalan ni Diego sa mga balita nang sumunod na araw. Ayon naman sa host na si DJ Jhai Ho, naging malapit siya kay Diego dahil nakasama niya ito sa teleseryeng Pangako Sa'Yo.

Kaya naman nagpadala ng mga inspirational quotes si Jhai Ho sa aktor upang palakasin ang loob ito. Nag offer din daw siyang mag-usap sila at sinagot daw ito ni Diego ng simpleng “thank you.”

Ayon pa kay Jhai Ho ay pinaalam niya sa aktor na mahal niya ito at sana ay hindi nito gawin ang lumabas na balita. Nagtanong naman daw si Diego kung anong balita ang sinasabi nito kaya pinadala daw ni Jhai Ho ang article na kanyang nabasa.

“Hindi ‘yan totoo, Jhai. Don’t worry. I’m fine," sagot ni Diego.

Si Diego ay pinanganak sa San Juan, Manila. Anak siya ng aktres na si Teresa Loyzaga at ni Cesar Montano. Lumipat si Diego kasama ang kanyang ina at half-brother na si Joseph sa Sydney, Australia taong 2000.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID

Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID

Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel