Inalmahan ng netizens! Pagbabawal sa sa pamamalo ng bata, balak isabatas

Inalmahan ng netizens! Pagbabawal sa sa pamamalo ng bata, balak isabatas

- Inalmahan ng karamihan sa mga netizens ang pagsasabatas ng pagbawal sa pisikal na parusa at pamamahiya sa mga bata

- Balak isabatas ang pamamalo o pamamahiya sa bata anuman ang layunin nito

- Ayon naman sa ibang guro, maari din itong abusuhin ng ilang mapagsamantalang mga tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang umalma sa balak na pagsasabatas na may layong ipagbawal ang pisikal na pagpaparusa at pamamahiya sa kabataan sa ilalim ng House Bill 8239.

Inalmahan ito ng ilang mga guro at magulang. Ayon sa ilan sa kanila, naging mabuti silang tao dahil sa may takot sila at paggalang sa kanilang mga magulang.

Inalmahan din ito ng punongguro na si Zaida Padullo. Gayunpaman, naiba ang kanyang desisyon nang isang estudyante umano ang pumanaw dahil sa pagpalo ng kanyang ina.

“Never again for as long as I am an educator will a student die in my watch,” saad nito sa isang panayam ng ABS-CBN news.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gayunpaman, maari din maabuso ang batas na ito laban sa mga kaguruan dahil maaaring kahit simpleng pagsaway ay puwedeng maging pagpapahiya ang dating sa kanila.

“Halimbawa, ako nagtuturo, 'yung bata gusto kong mag-recite, at hindi siya nakasagot. Puwede niyang sabihin na nilabag ko ang kanyang karapatan dahil napahiya siya. Dahil ba doon kakasuhan na 'ko ng child abuse? ” paglalahad ni Raymond Basilio, ACT (Alliance of Concerned Teachers) secretary-general.

Marami din sa mga netizens ang naniniwalang iba ang ugali ng mga kabataan ngayon dahil na rin sa kakulangan ng respeto at takot sa mga magulang at guro.

Ang nasabing panukala ay aprubado na sa senado at paplantsahin pa sa Kamara na kasalukuyang nasa ikatlong pagbasa na.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel