Filipino Manager ni Mader Sitang, isiniwalat ang pinagdaanan sa soc-med sensation

Filipino Manager ni Mader Sitang, isiniwalat ang pinagdaanan sa soc-med sensation

- Isiniwalat ni Wilbert Tolentino ang kanyang dinanas sa sikat na social media sensation na si Mader Sitang

- Pumunta siya at ang ng kanyang team sa Thailand para sana sa contract signing ni Mader Sitang

- Gayunpaman, hindi ito natuloy dahil umano sa mga demands ng social media sensation

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ninais ni Wilbert Toelntino, Mr. Gay World Philippines 2009 na madeklarang persona non grata ang sikat na social media star na si Mader Sitang. Ito ay matapos maudlot ang pagpirma sana nito ng five-year managerial contract.

Si Wilber ang international manager ni Mader Sitang na siya din naging daan upang makapunta sa Pilipinas ang sikat na social media sensation.

Naging mainit ang pagtanggap ng mga Pinoy sa pagbisita ng social media sensation na si Mader Sitang sa Pilipinas noong nakaraang buwan. Lalo din siyang hinangaan dahil sa pinakita niyang kabutihang loob lalo na nang mamahagi siya ng pagkain at pera.

Kaya naman marami ang nabigla sa balitang lumabas tungkol sa diumano'y naging karanasan ni Wilbert Tolentino, ang tumayong international manager niya at naging daan upang makabisita si Mader Sitang sa Pilipinas.

Ayon sa ulat ng Pep, dumating umano sa Bangkok ng 8:30 p.m. sina Wilbert at nakatakda sana silang magkaroon ng welcome dinner.

Gayunpaman, hindi ito natuloy dahil sa mga naging demands diumano ni Mader Sitang. Nais daw nitong tumanggap siya ng 19.5M baht o katumbas ng halagang 31.3M sa Philippine money bago pa ito pumirma ng kontrata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ilan umano sa paglalaanan sana niyon ay para sa bahay, opisina at mini-warehouse na magkakahalaga ng 9.5M baht o 15.3 milyong piso at karagdagang 10M baht o 16 milyong piso para sa iba pa nitong pangangailangan.

Ayon pa kay Wilbert, sinalubong naman siya ni Mader Sitang sa airport ngunit iniwan din daw siya nang mapag-alamang wala itong dalang pera.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito ay dumulog daw si WIlbert sa consul ng Pilipinas sa Thailand nitong November 7 upang ipadeklarang persona non grata ang internet sensation. Ito ay para hindi na daw makabalik pa ng Pilipinas si Mader Sitang.

Ayon pa sa ulat, 30 milyong piso na daw ang ginastos ni Wilbert para sa merchandising items na perfume, hair products, t-shirts at iba pa na dapat ay ibebenta online.

“Lahat ng kikitain doon ay ibibigay ko sa charity,” saad ng Mr. Gay World Philippines 2009 na si Wilbert.

Sa kanyang Facebook Account ay naglabas ng rin ng pahayag si Mader Sitang. Ibinahagi niya rin ang nilalaman ng contract.

Sumikat si Mader sitang dahil sa mga viral videos ng kanyang sayaw at pag he-head bang. Marami ang nang bash sa kanya dahil sa mga videos na iyon ngunit nabago naman iyon nang mapag-alaman ng marami na tumulong pala ito sa ilan nating kababayan na sinalanta noon ng bagyong Yolanda.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel