Nagbigay-pugay! John Lloyd Cruz, ginunita ang alaala ni Rico J. Puno

Nagbigay-pugay! John Lloyd Cruz, ginunita ang alaala ni Rico J. Puno

- May simpleng paggunita si John Lloyd Cruz sa alaala ng yumaong aktor-singer na si Rico J. Puno

- Si Rico ang tumayong ama ni John lloyd sa sitcom na Home Sweetie Home

- Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Lloydie ang video clip ng phonograph at vinyl record ng kanta ni Rico J

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa si John Lloyd Cruz sa mga artistang naging malapit kay Rico J. Puno matapos nilang magkasama sa sitcom na Home Sweetie Home bilang mag-ama. Kaya naman sa isang Instagram post ay ibinahagi ni John Lloyd ang kanyang simpleng pag-alala sa yumaong OPM legendary singer at Total Entertainer.

Ipinahiwatig ni John Lloyd ang kanyang pagbigay pugay sa pamamagitan ng Instagram post kung saan makikita ang video clip ng isang phonograph at vinyl record ni Rico J.

Isa sa pinakasikat na cover song ni Rico noong 1970's ay ang "You Don't Have To Be A Star (To Be In My Show)" na isang original song nina Marilyn McCoo at Billy Davis Jr.

Bilang isang dating artista na pinipilit mamuhay ng simple, bihira na rin magbahagi ng mga update sa kanilang buhay sina John Lloyd at Ellen Adarna.

May mga lumabas na balitang dumating ang aktor sa necrological service para kay Rico J. kung saan dinaluhan ng kanyang pinakamalalapit na kamag-anak, kapamilya at katrabaho.

Bago pa namaalam si Rico J. ay nagpahayag ito na na miss niyang makasama si John Lloyd. Kasabay kasi ng leave ni John lloyd sa showbiz ay wala na rin itong komunikasyon sa mga kasamahan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si John Lloyd Cruz ay unang nakilala sa longtime running telebisyon show sa 'ABS-CBN,' na may pamagat na 'Tabing Ilog' kung saan nya napakareha si Kaye Abad.

Sya ay ay naging isang malaking bituin na may napakalaki at matagumpay na mga pelikula at serye sa telebisyon na nagdala ng maraming mga parangal at pagkilala sa kanya bilang isa sa pinakamahusay na aktor sa bansa.

POPULAR: Read more about John Lloyd Cruz here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel