Pang-lima na ngayong taon? Public school teacher, nagbigti sa sarili niyang classroom

Pang-lima na ngayong taon? Public school teacher, nagbigti sa sarili niyang classroom

- Natagpuang patay sa sarili niyang classroom si Teacher Dina ng Pindasan Elementary School

- Bandang 2:30 ng hapon nang matagpuan ang nakabigting guro noong Nobyembre 7

- Inaalam pa ang dahilan bakit niya ito nagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang guro ng pampublikong paaralan ang kumitil sa sarili niyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti.

Ayon sa ulat ng Depedcommunity, natagpuan ang gurong nakilalang si Teacher Dina na wala nang buhay sa CR ng kanyang silid sa Pindasan Elementary School.

Nagtataka ang mga ka-guro ni Teacher Dina kumbakit naka-lock ang silid nito.

Sa imbestigasyon ng Mabini Municipal Police Station sa Compostela Valley, bandang 2:30 ng hapon noong Miyerkules nang mabuksan ang silid ng guro at nakita siyang wala nang buhay at nakauniporme pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang watchman ng paaralan na si Alfredo Cosmiano ang siyang nakakita sa kalunos-lunos na sitwasyon ng wala nang buhay na guro ilang oras matapos ang pagtataka at paghahanap ng kapwa guro ni teacher Dina kung nasaan siya.

Dinala pa rin sa ospital ang guro sa pagbabakasakaling maisalba pa ito ngunit "dead on arrival" na talaga ito.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang kaso lalo pa at di pa nalalaman ang mabigat na dahilan kumbakit niya ito nagawa.

Nakalulungkot isipin na sa taong ito di bumaba sa lima ang kaso ng pagpapakamatay ng mga guro na mula sa pampublikong paaralan.

Una nang naibalita ng KAMI ang kaso ni Teacher Emylou na bagong pampublikong guro na nagpakamatay dala raw ng matinding depresyon. Isa rin sa naiulat ng KAMI ang guro na padre-de-pamilya pa na si Jay Rubina kung saan nakapagpahiwatig pa raw ito ng pagpapakamatay sa kanya mismong social media page.

Naibalita rin ng KAMI ang pagkitil ni Teacher Shannen Espino na ang matinding dahilan daw ay ang dami ng trabaho na iniaatang sa kanya ng paaralan.

Naniniwala ang KAMI hindi ang pagkitil ng sariling buhay ang solusyon sa matinding problema. bago gumawa ng aksyon, pag-isipang mabuti kung ito ba ay makabubuti at samahan na rin ng mataimtim na dasal para sa gabay ng Poong may Kapal.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel