Naging viral ang litrato ng diumano ‘harasser’ ng mga Miss Earth contestants

Naging viral ang litrato ng diumano ‘harasser’ ng mga Miss Earth contestants

- Nagkalat sa social media ang litrato ng inakusahang "harasser" ng mga Miss Earth contestants

- Pinangalanan itong sponsor at "harasser" ng Miss Earth bilang Armado S. Cruz

- Nagsalita naman na diumano si Cruz sa issue na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsalita na ang diumano'y "harasser" at isa sa mga sponsors noong Miss Earth 2018 na ginanap noong November 3 sa Mall of Asia Arena. Pinangalanan ng isang Miss Earth candidate ang harasser bilang Armado S. Cruz.

Ayon sa mga Miss Earth candidates ay nag-aaya raw pumunta sa Boracay si Cruz. Dagdag pa nila, nangungulit din daw ito malaman ang mga hotel rooms nila.

Nalaman ng KAMI na kumalat sa social media ang mga diumano litraro ni Cruz kasama ang mga Miss Earth contestants.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Base sa report ng ABS-CBN News, nagsalita na si Cruz ukol sa issue. Itinanggi niya ang mga ito. Giit niya, ang mga kandidata raw ang nagsabing gusto nilang bisitahin ang isla ng Boracay kaya lang daw siya nag-alok pumunta rito bilang malapit din ang lugar niya rito.

Nagpasalamat din si Cruz sa mga contestants na ipinaglaban siya at itinangging may panghahalay na naganap sa pageant. Kumausap na rin daw ng mga lawyers si Cruz para sa kanyang magiging susunod na hakbang.

Sabi naman ng mga organizers ng Miss Earth ay "forever banned" na raw si Cruz sa kompetisyon. Samantala, ipinatawag na rin ni Lorraine Schuck, ang executive president ng Carousel Productions, ang mga kandidatang may parehas na karanasan upang makapagsulat ng kanilang statement at magsimula na ang mga proceedings.

Una na ngang naiulat ng KAMI na inilabas sa social media nina Miss Earth Canada Jaime VandenBerg, Miss Earth England Abbey-Anne Gyles-Brown at Miss Earth Guam Emma Sheedy ang kanilang naging karanasan sa Miss Earth 2018.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Cartoon - I Hate My Mother-in-Law – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel