Pinay na nagsimula bilang DH, may-ari na ng eskwelahan ngayon sa England

Pinay na nagsimula bilang DH, may-ari na ng eskwelahan ngayon sa England

-Isa na ngayon sa maipagmamalaki ng mga Pilipino ang dating DH na si Nova Fossgard na may-ari na ng isang eskwelahan sa England

-Ngunit hindi rin daw naging madali ang lahat para sa kanya at sa asawa

-Ngayon, nasa 3,000 estudyante na kada taon ang nag-e-enroll sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Lumaking mahirap si Nova Fossgard na mula sa Tukuran, Zamboanga Del Sur. Mangingisda ang ama at housewife ang ina.

Dati rin daw siyang naglalako ng mga isda para makatulong sa kanyang mga magulang. At hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya ito.

"You are in the market and you have to shout – fish, fish, bente, bente… Isda, isda, bariles, bariles. Bente, bente."

Dala ng kagustuhang maiahon sa hirap ang pamilya at mapag-aral ang mga nakababatang kapatid, nagdesisyon siyang mamasukan bilang Dosmestic helper sa Singapore.

"I went through as a domestic helper first, cleaning. Even during day off, I worked part-time."

Habang nagta-trabaho sa Singapore, inalok umano siya ng dating amo na alagaan ang matanda nitong ina sa England.

"They had a housekeeper, a gardener. I just sat down with her, just to be a companion. I learned so much from her. She educated me a lot: taught me [how] to cook, read a lot of newspapers and books."

Doon na rin niya nakilala ang napangasawa na si Jan.

Taong 2006 nang pareho silang mawalan ng trabaho. Nag-apply sa isang college school ang kanyang asawa at doon na ito inalok na mag-take over nito dahil nang magretiro ng orihinal na may-ari nito.

"It was just by coincidence really. My husband applied to teach English here. Then my husband was approached if he wanted to buy out the school."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi naging madali ang lahat para sa mag-asawa lalo pa at may iba pang trabaho si Nova. Ngunit siya na ang gumagawa ng administrative tasks, accounts, at students registration.

Sa ngayon, nasa 3,000 estudyante na ang nag-e-enroll sa kanila kada taon mula sa iba't-ibang lugar sa mundo.

Nagpasalamat din si Nova sa mga natutunan niya noong siya'y bata pa para mapatakbo ngayon ang kanilang eskwelahan, ang Purley Language College.

Pinay na nagsimula bilang DH, may-ari na ng eskwelahan ngayon sa England

Photo source: OFW Newsbeat / Nova Fossgard

Pinay na nagsimula bilang DH, may-ari na ng eskwelahan ngayon sa England

Photo source: OFW Newsbeat / Purley Language College

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this cartoon by HumanMeter, we are shown a story of a woman who has an ongoing conflict with her mother-in-law! The woman’s plan to get rid of her did not go as planned as she was able to learn an important lesson about conflicts. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel