Pinoy pride! Ahtisa Manalo, kinoronahan bilang Miss International 2018 first runner-up

Pinoy pride! Ahtisa Manalo, kinoronahan bilang Miss International 2018 first runner-up

- Hinirang bilang Miss International 2018 First Runner Up si Ahtisa Manalo

- Tinalakay niya ang ukol sa “youth empowerment” sa pageant

- Narito naman ang ilang facts tungkol kay Manalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Noong March 18 ay kinoronahan si Ahtisa Manalo bilang Bb. Pilipinas International. Siya ang lumaban sa Tokyo, Japan upang makamit ang Miss International crown. Hindi man siya pinalad mangyari ito ay proud na proud pa rin ang mga Pinoy dahil nanalo siya bilang 1st runner up.

Nalaman ng KAMI sa ABS-CBN News na sa speech ni Manalo sa Miss International 2018 ay tinalakay niya ang tungkol sa “youth empowerment” nang tanungin sila kung bakit sila ang karapat-dapat maging susunod na Miss International.

“If I become Miss International, I would continue being the voice of the youth in showing that nothing is impossible with hard work and determination,” giit ni Manalo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Manalo ay isang 20 years old na nagmula sa Candelaria, Quezon. Base sa report ng Rappler, graduate ng Accountancy sa Manuel S Enverga University Foundation. Lumaki raw siyang mas madalas kasama ang mga kalalakihan. Gusto rin nga daw sana niya maging pulis noon.

“I [had] toy guns, I [had] character cards, soldiers, just usually what guys have,” sabi ni Manalo.

Ang nanay daw niya ay may lahing Espanyol at ang tatay naman niya ay half-Swedish at half-Finnish.

Bago pa man siya sumali sa Bb. Pilipinas, naging festival queen din daw siya. Inirepresenta niya ang probinsya ng Quezon sa Reyna ng Aliwan Festival noong 2017 at tinanghal din bilang reyna sa Niyogyugan Festival.

Ngayon nga ay natpuad na ang pangarap ni Manalo na makasali sa Miss International at talagang ipinamalas niya ang galing ng isang Pilipino.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Cartoon - I Hate My Mother-in-Law – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Hindi inakala ng 1 babae na ang yaya pala ng anak ay 1 'di pangkaraniwang tao

Hindi inakala ng 1 babae na ang yaya pala ng anak ay 1 'di pangkaraniwang tao

Hindi inakala ng 1 babae na ang yaya pala ng anak ay 1 'di pangkaraniwang tao
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel