Magkasintahan, pinaghiwalay ng bangungot

Magkasintahan, pinaghiwalay ng bangungot

-Hindi raw inakala ng isang dalaga na nang magpaalam sa kanya ang nobyo na iidlip muna ay siya na palang pamamaalama nito sa kanya

-Hindi na nagising ang kanyang nobyo na pinaniniwalaang binangungot habang sakay ng isang bus pauwi

-Lumbay at pangungulila ang kalaban ngayon ng dalaga sa pagkawala ng nobyong nagsisimula pa lamang daw sa kanyang pangarap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Parehong BS Marine Engineering ang kinuha ng magkasintahang Whinslet at Carl Kenneth. At dahil ahead ng 2 taon si Carl nauna itong magtrabaho.

Kwento ni Whinslet, mabait at masipag ang kanyang nobyo. Nais umano nitong makatulong sa ama nito.

Ayon dito, madalas na rin makaranas ng pananakit sa puso ang binata ngunit hindi masyadong napagbigyang pansin ito.

Ngunit noong October 31, 2018, habang pauwi si Carl at magka-text ang dalawa, nagpaalam umano ito para umudlip dahil na rin marahil sa pagod mula sa trabaho.

Iyon na pala ang huli nilang pag-uusap. Kinaumagahan, nakatanggap si Whinslet ng tawag mula sa kapatid ni Carl at sinabing pumanaw na raw ang kanyang nobyo.

Hindi umano siya naniwala hanggang sa magpadala na umano ng litrato ang mga ito na nagpapakita sa wala ng buhay na nobyo.

Ayon sa kwento ng mga magulang ni Carl, narinig daw ito ng katabi sa sinakyang bus na umuungol. Ginising ng mga ito ang binata ngunit hindi na ito nagising.

Pinaniniwalaang binangungot ang binata.

Bandang 3:15 ng umaga nang madala ito sa United Doctors Hospital Candelaria at agad na isinalang sa ER ngunit sumuko rin ito 4:30 ng umaga.

Ang ikinasawi nito, fatal cardiac arrhythmia.

Ayon sa dalaga, tila may mga premosnisyon na ang binata sa kanya sa pamamagitan ng mga bilin nito sa kanya.

"moshie ko kapag nawala ako gusto ko maging masaya ka sa iba ha"

"kailangan mo maging malakas, matatag ha kasi wala naman ako lagi sa tabi mo, akala ko ba gusto mong maging independent"

"gusto ko moshie kapag ako namatay katulad nalang nung ryan young na bangungot. Para isang patayan nalang"

Sa mensahe ni Whinslet sa kanyang facebook post, nagpasalamat siya sa pagmamahal na ibinigay sa kanya ng kasintahan.

Ngunit ano nga ba ang bangungot?

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang bangungot, sindroma ng biglaang hindi inaasahang kamatayan, sindroma ng biglaang hindi inaasahang kamatayan sa gabi, o sindroma ng biglaang hindi nalalamang pagkamatay.

Tinatawag o nilalarawan din bilang masamang panaginip o masamang pangarap, ay itinuturing na isang karamdaman na kinasasangkutan ng ganitong mga katangian: pagiging nagigising sa gabi, pag-ungol, pananaginip ng masama, pagkakaroon ng pakiramdam na mayroong nakadagan sa dibdib.

Bilang sakit, ang bangungot ay isang uri ng karamdaman na wala tiyak na katumbas na katawagan sa wikang Ingles at sa modernong panggagamot.

Ang bangungot, bilang isang sakit, ay itinuturing na isang emerhensiyang medikal, na kinakailangan ng dagliang pagtulong, pagdadala sa ospital, at pag-usisa sa katayuan ng puso.

Ang kalalakihan may gulang na 17 hanggang 30 ang karaniwang dinadapuan ng bangungot (bagaman maaari ring dapuan ang mga babae), partikular na iyong mga nalalayo sa kanilang mga mag-anak.

Ayon sa nakaugalian ng mga matatanda, maiiwasan ng isang tao ang bangungutin kapag hindi kumakain ng marami at hindi pag-inom ng marami bago matulog.

Kapag nakaranas naman ng bangungot ang isang tao, ang taong ito ay kailangan kumonsulta sa manggagamot upang tiyakin na malusog ang taong ito at walang ibang mga karamdaman na makakapagpalubha sa pagkakaroon ng bangungot.

Kailangan uminom ng marami para hindi bangungotin.

Source: Facebook, Wikipedia

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this cartoon by HumanMeter, we are shown a story of a woman who has an ongoing conflict with her mother-in-law! The woman’s plan to get rid of her did not go as planned as she was able to learn an important lesson about conflicts. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel