OFW na kinutya dahil nakatapos ngunit iba ang trabaho, magpapatayo na ng bahay

OFW na kinutya dahil nakatapos ngunit iba ang trabaho, magpapatayo na ng bahay

- Binahagi ni Cerelyn Laghayon kung paano siya nakabangon sa pangungutya ng ilan

- Nakatapos ng kolehiyo si Cerelyn ngunit di naman siya naging ganap na propesyunal at siyang naging domestic helper sa Saudi Arabia

- Makalipas ang 4 na taong pag-a-abroad, nagpapatayo na siya ng sarili niyang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bagaman at tapos ng 4-year course si Cerelyn Laghayon, di naman niya naisakaptuparan ang pagiging isang sociologist.

Mas binigyang prioridad niya kasi ang makaalis na lamang agad ng bansa upang kumita ng pera. Aminado si Cerelyn na mahirap ang kanilang buhay kaya naman di siya nagdalawang isip na sumabak sa ibang bansa.

Dahil dito, nakaranas siya ng pangungutya ng ilan. Nakatapos nga raw si Cerelyn ng kolehiyo ngunit nauwi pa rin ito sa pagiging domestic helper.

OFW na kinutya dahil nakatapos ngunit iba ang trabaho, magpapatayo na ng bahay

source: supplied

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Masakit ito para sa kanya ngunit kinimkim na lamang niya ang sama ng loob na nadarama at tinuon ang atensyon sa pagtatrabaho. Para kasi sa kanya, marangal pa rin ang kanyang trabaho at wala siyang nakikitang masama roon.

Nito lamang ng Oktubre, apat na taon na siyang naninilbihan sa isang pamilya sa Saudi Arabia. At sa loob ng apat na taon na iyon, nakapagpagawa na si Cerelyn ng kanilang sariling tahanan dito sa Pilipinas.

Bukod pa rito, nakabili rin ng mga puno ng Falkata ang pamilya ni Cerelyn na siyang ginawa nilang negosyo.

Naniniwala ang KAMI na nakatapos ka man o hindi, kung mayroon ka namang abilidad at mabuting kalooban, makakamit mo pa rin ang tagumpay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel