Galing ni Jade! Yam Concepcion, may sweetest anniversary treat para sa nobyo

Galing ni Jade! Yam Concepcion, may sweetest anniversary treat para sa nobyo

- Hindi maikakaila na si Yam Concepcion ay kinikilala na ngayon bilang isa sa pinakamagaling na aktres ng Kapamilya dahil sa kanyang pinag-uusapang karakter sa Halik bilang Jade

- Pero bukod pa sa kanyang acting skills, magaling din pala si Yam tumugtog na ukelele at kumanta at ito nga ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram

- Ang naturang post na umani na ng mahigit sa 17k likes ay ang kanyang anniversary treat para sa nobyo na nasa San Francisco, California

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan nga ng KAMI ang napakasweet na anniversary treat ni Yam Concepcion sa kanyang boyfriend na si Migue CuUnjieng na nasa San Francisco, California ngayon.

5 years na pala ang long distance relationship ni Yam sa kanyang boyfriend at talaga namang napakasweet nilang tingnan habang nagdedicate ng tugtug at kanta para sa kanilang anibersaryo.

Idinaan ni Yam ang message greeting sa kanyang boyfriend sa pagtugtog ng ukelele at pagkanta ng "You Always Hurt The One You Love, ani pa sa balita ng ABS-CBN News, kung saan una naming naispatan ang balita.

Pero tila unang nagbigay ng sweet anniversary message at treat ang kanyang boyfriend sa pamamagitan lang ng pagtugtog rin ng ukelele.

Ani pa nito sa kanyang IG caption:

"Hehe happy 5th baby @yamconcepcion always know how proud of you I am, and it’s amazing to see all the results of your hard work. Thank you for always being the sweetest to me, including all the smaller things that maybe I don’t say thank you for enough. I hope this simple John Denver cover starts your day smiling, along with these three bad photos at sundial bridge. You know the proper one we’ll take together next time ;), and this song will be on our driving playlist to the river ymtwtmmc, let’s fast forward to December already please"

Gayunpaman, ang ibang netizens na tila affected pa rin sa karakter ni Yam Concepcion bilang si Jade sa Halik ay nagbigay ng kanilang reaksyon sa comment box ng aktres.

"@yamconcepcion hindi ka lang pala magaling umarte... maganda boses at marunong ka pang mag Ukulele..."
"Nawala yung inis ko kay Jade. "
"Si Jade singer narin.with feelings and emotion pa yan."
"I’m more amazed that you can also play a musical instrument. @yamconcepcion dagdag ganda! Hehe."

Makikita si Yam Concepcion sa hit Kapamilya serye ang Halik kasama sina Jericho Rosales, Sam Milby, at Yen Santos.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho

Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho

Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel