Pinay OFW, may sarili nang grocery, salon at restaurant sa New Zealand

Pinay OFW, may sarili nang grocery, salon at restaurant sa New Zealand

- Nakaka-proud talaga ang Pinay OFW na si Sonia Dandin na nakapagpatayo na ng iba't ibang negosyo sa New Zealand

- Dahil sa kanyang pagtitipid at pagiging wais sa pera, nagkaroon siya ng mga negosyo

- Di lang mga Pinoy ang tumatangkilik ng kanyang mga serbisyo at produkto ngunit maging ang mga tagaroon na mismo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga ang Pinay OFW na talaga namang nagsumikap sa New Zealand upang makapagpatayo ng mga negosyong masasabi niyang kanya.

Dating domestic helper sa Malaysia sa loob ng 11 taon si Sonia Dandin. Ngunit nang makilala niya ang kanyang napangsawa, lumipat na sila sa New Zealand kung saan nagtatrabaho ito sa milk farm.

Pinay OFW, may sarili nang grocery, salon at restaurant sa New Zealand

source: supplied

Dito nakapag-ipon si Sonia dahil sa libre ang tirahan at kuryente nila mula sa kanialng amo. Malaking bagay din na binibigyan sila ng karne ng kanilang amo na siya nilang kinakain.

Dahil sa mahusay na paghawak nila ng kanilang pera, nakapagbukas si Sonia at kanilang pamilya ng The Filipino Dairy Store.

Noong 2015, panibagong negosyo naman ang pinasok ni Sonia at ito naman ay ang Dandin’s Carinderia Buffet.

Pinay OFW, may sarili nang grocery, salon at restaurant sa New Zealand

source: supplied

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At nito lamang nakaraang taon, nagbukas ang Donna's Beauty Salon.

Marami na ang tumatangkilik at taga-suporta ni Sonia at patok na patok ito maging sa mga New Zealanders.

Pinay OFW, may sarili nang grocery, salon at restaurant sa New Zealand

source: supplied

Dahil sipag, determinasyon at sakripisyo, nagbunga naman ito ng dalawang sarili na nilang bahay sa Ashburton.

Ayon kay Sonia, wala siyang ibang sikreto kundi ang patuloy na pag-subok sa mga negosyo na maaring pumatok at isipin din kung paano ito makatutulong sa kapwa lalo na sa mga kababayan natin.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel