Dalagitang nagdarasal, himalang nakaligtas sa bala na tatama sana sa kanyang ulo

Dalagitang nagdarasal, himalang nakaligtas sa bala na tatama sana sa kanyang ulo

- Himalang nakaligtas sa ligaw na bala ang 17 taong gulang na dalagita

- Nakaluhod at nagdarasal daw ito sa tabi ng kanyang kama nang maramdaman niyang may dumaplis mula sa kanyang likod

- Pakiramdam daw ng dalagita at naligtas siya sa kapahamakan dahil sa kanyang pagdarasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila isang milagrong maituturing ang nangyari kay Kimberly Mendoza, isang dalagitang nagdarasal sa tabi ng kanyang kama nang biglang may ligaw na balang tumagos sa pader sa kanyang likod.

Ayon sa Yahoo, himalang di tumama sa ulo ng 17 taong gulang na dalagita ang bala gayong tumagos ito sa pader mula sa kanyang likod.

Naramdaman na lamang daw ni Kimberly na tila may dumaplis sa kanyang braso at di pa niya agad nalaman ang nangyari.

Narinig din niya ang naimo'y bomba kaya naman agad siyang tumakbo sa kanyang ama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Paniwala ng dalagita na niligtas siya sa kapahamakan dahil na rin sa kanyang mataimtim na pagdarasal.

“I feel great. I know God is so great. He takes care of me. I know God is a judge, and I know he is going to do something for me — and he takes care of me. I’m so thankful. I know my faith, everybody can laugh about me … but I feel good because God is so important for me. I love God. And I know if I die, I’m good because I know I can go to heaven with him. I know he’ll take care of my family,” kwento ni Kimberly.

Ayon sa imbestigasyon, nagmula lamang talaga ang pagpapaputok ng baril sa apartment complex nina Kimberly ngunit wala namang naaresto.

Nagpapagaling si Kimberly ng braso niyang nadamplisan ng bala ngunit pasalamat parin daw siyang ito lamang ang kanyang natamo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel