Isang Fil-Am student ang nasawi sa insidenteng nangyari sa Southern California

Isang Fil-Am student ang nasawi sa insidenteng nangyari sa Southern California

- Isang mass shooting ang nangyari sa Southern California

- Nasawi nga ang isang Fil-Am na si Alaina Punzalan Housley sa engkwentrong ito

- Si Alaina ay pamangkin ng Hollywood actress na si Tamera Mowry-Housley

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumpirma nga ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasangkot ang isang Filipino-American na nagngangalang Alaina Punzalan Housley sa mass shooting na nangyari sa isang bar sa Southern California.

Nalaman ng KAMI na si Alaina ay pamangkin ng isang Hollywood actress at TV host na si Tamera Mowry-Housley.

"We just learned that our niece Alaina was one of the victims of last night's shooting at Borderline bar in Thousand Oaks. Alaina was an incredible young woman with so much life ahead of her and we are devastated that her life was cut short in this manner. We thank everyone for your prayers and ask for privacy at this time,” sabi raw ni Tamera sa CNN.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang freshman student sa Pepperdine University si Alaina base sa report ng CNN Philippines. Siya ay 18-years-old pa lamang.

Isang mass shooting nga ang nangyari sa Thousand Oaks, California, Huwebes (PHI time). Isang diumanong dating marine raw ang pinaghihinalaang suspek sa engkwentro sabi sa report ng ABS-CBN News. Pinangalanan ang suspek na Ian David Long, 28. Subalit, natagpuan din naming patay ito matapos ang insidente.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa rin kung may iba pa bang Pinoy o Fil-Am ang nadamay sa insidenteng ito. Naitalang 12 daw na katao ang nabawian ng buhay dahil sa pangyayaring ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Cartoon - I Hate My Mother-in-Law – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel