Anyare?! Pangulong Duterte, suportado na si Mar Roxas

Anyare?! Pangulong Duterte, suportado na si Mar Roxas

- Biglang nagbago ang ihip ng hangin sa pagitan ni Pangulong Duterte at Mar Roxas

- Sinabi pa ni Pangulong Duterte na iboto raw si Roxas sa eleksyon

- Tatakbo si Roxas bilang senador muli sa halalan 2019

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang mga bweltahan nila noong nangangampanya sila sa pagka-Pangulo noong 2016 ay tila nag-iba naman ang ihip ng hangin para kay Pangulong Rodrigo Duterte at Mar Roxas.

Nalaman ng KAMI na sa isang event sa Boracay ay sinabihan ng Pangulo ang mga tao na iboto si Mar Roxas na tumatakbong muli sa pagka-Senador.

“Alam ko si Roxas... vote for Roxas, Ilonggo eh. Iboto ninyo, walang problema 'yan,” sabi raw ni Pangulong Duterte ayon sa report ng CNN Philippines.

Nagsalita rin si Pangulong Duterte ukol sa dating senior aide ni Roxas na si Marcelo Garbo Jr. na diumano’y sangkot daw sa ilegal na droga sa bansa.

“Itong si Garbo, I don't know where he is, that idiot. You know Garbo was the police aide, senior aide of Roxas,” giit ng Pangulo.

"Pero Garbo na 'yan, naghawak ng droga sa Visayas. Iyon ang police makita mo palagi sa tabi ni Roxas doon,” dagdag pa ng Pangulo.

Samantala, dati na ngang naiulat ng KAMI na nagbigay ng suggestion si Roxas sa administrasyong Duterte upang maibsan ang pagtaas ng inflation sa bansa. Sa isang social media post ay sinabi ni Roxas na isantabi muna nila ang kanilang mga pagkakaiba upang malutas ang problema.

POPULAR: Read more news about President Duterte here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Cartoon - I Hate My Mother-in-Law – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel