Ina, nagbigay babala sa kapwa magulang patungkol sa mga laruang may maliliit na baterya

Ina, nagbigay babala sa kapwa magulang patungkol sa mga laruang may maliliit na baterya

- Nagbigay babala ang netizen na si Tony Rose Chavez sa kapwa niya magulang sa pagpapalaro sa kanilang mga anak ng mga gamit na may maliit na baterya

- Isang aksidente kasi ang naganap sa kanyang anak na nasuotan ng maliit na baterya sa ilong

- Mabuti na lamang daw at naagapan ang pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magsilbing aral daw sana ang karanasan ng anak ng netizen na si Tony Rose Chavez kung saan di nila nalaman na napasukan na pala ito ng maliit na bilog na baterya sa ilong.

Ayon sa mismong post ni Tony Rose, una lamang nilang napansin na namumula ang mga mata ng kanyang limang taong gulang na anak na babae at singhot pa ito ng singhot.

Agad niya itong pinainom ng antihistamine sa pag-aakalang allergy lamang ito.

Labis siyang nabahala nang sumapit na ang gabi at di na makatulog ang kanyang anak na daing na daing.

Napansin na lamang ni Tony Rose na may lumalabas na itim mula sa ilong ng kanyang anak. Sa una inakala niyang dugo ngunit nagduda agad siya dahil sa kakaibang itsura nito at amoy. Nilinisan niya ng ilong ang anak ngunit tinigil niya ito dahil nasasaktan daw ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman, agad nang sinugod ng ina sa ospital ang bata. Doon nila nalaman na may naipasok pala ito sa loob ng kanyang ilong at iyon pala ay ang battery ng laruan nito.

Mabuti na lamang at naagapan pa rinnila ang sitwasyon ng bata dahil sa ang lumalabas pala na kulay itim sa ilong nito ay nasusunog nang laman dahil sa kemikal ng baterya na nasa loob ng ilong.Kung tumagal pa ito sa ilong ng bata, maari daw itong mabutas.

Dahil sa insidenteng ito, nagbigay babala si Tony Rose sa kapwa niya mga magulang na maging maingat sa mga binibigay na laruan sa kanilang mga anak. Lalo pa sa edad na gaya ng anak niya na 5 taong gulang, na nasa estado ng pagtuklas sa mga bagay bagay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel