Larawan ng kasamabahay at ng pamilya sa mall, umani ng samu't saring reaksyon

Larawan ng kasamabahay at ng pamilya sa mall, umani ng samu't saring reaksyon

- Viral ngayon ang larawan ng mag-anak na kumakain sa isang mall habang nanonood lang ang kanilang kasambahay

- Bagaman at di matiyak kung Pinay nga ang nasa larawan na kasambahay, di pa rin daw tama na ganito ang gawin sa kanya

- Naglabas ng iba't ibang saloobin ang mga netizens tungkol sa larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Dapat di na lang nila sinama!" karamihang sabi ng mga nakakita ng post ng isang concerned netizen sa kasambahay ng nanonood lang habang kumakain ang mag-anak ng amo niya.

Ayon sa post ng Viral Facts, Kuha raw ang larawan sa isang mall habang kumakain ang ang pamilya na kasama ng kasambahay.

Habang kumakain kasi ang pamilya, makikitang di kumakain ang kasambahay at nanonood lang sa kanila.

Bagaman at nasa iisang mesa sila, mapapansin ding medyo malayo ang upuan ng kasambahay.

Sa orihinal na post, naglabas ng saloobin ang concerned netizen at sinabi niya sa caption na huwag naman daw tratuhing parang hayop ang mga kasambahay. Maging makatao naman daw at kung ganoon lang sin naman ang mangyayari ay tila mas mabuting iwanan na lamang sa bahay.

Maging ang ilang netizens ay nakapagbitaw ng di magagandang komento sa pamilya na kasama ng kasambahay dahil sa pagtrato nila rito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"D na nkakagulat. Meron nga mga kapwa natin pilipino na pag nasa mall kasama mga kasambahay naka maid's uniform pa eh."
"Nakakalungkot naman ang kuha nayan..naluha ako sa litrato nayan..para namang aso na nakatanghod ang kasambahay nila..wag naman sana tau ganyan kung Christiano tau..may kapalit po kc ang gawaing pang aapi ng kapwa..mabigat po yan!"
"Naranasan ko na din yan nung mag dh ako sa kuwait...ganyan din ginawa,kumain sila ako nka yuko na lang habang kumakain sila wala ako magawa wala akong dalang pera pambili ng pagkain ko ksi nung isinama ako di ko nman alam na kakain pala sila sa restaurant..karamihan tlga amo ganyan ang ugali."
"Grabe naman sa tingin ko naman mukhang pipitsugin din yong amo natiis nilang nakatingin lang sakanila si inday ? Kung ako nakatabi jan ioorder ko ng pagkain yan ng mas masarap at itatapat ko talaga sa kanila ,ang yabang natiis nila?"
" Huwag na mag kasambahay kung hindi kaya pakainin at itratong tao."

Samantala, may ilang netizens din naman ang nagsabi na baka may ibang kwento ang larawan. Marahil daw nang makunan it ito ay tapos nang kumain ang kasambahay. Di rin naman daw kasi naging malinaw ang kabuuan ng kwento ng larawan.

Ito naman ang saloobin ng ilan sa kanila:

"Mahirap mg based sa picture. Baka nmn inaalok CIA pero ayaw ni ate...pano kung mali lhat iniicip ntn sa amo nia..yun pla mabait.. Hnd ntn Alm.. Sa totoo LNG naicip ko para ano pinost ito? Makikita pa ng pamilya nia, kaibigan.... Nkatulong ba s knya pgppkita ng picture na to? Mas lalo tuloy syang nging kaawa-awa.. Hirap p nito bk balikan ka ng mga amo sa pgpost mo s knila..."
"The photo is not complete. Ang bills lang manghusga ng isang photo. What if pinakain namin siya sa bahay? What if kumain naman siya after? Ang daming possible scenarios dyan."
" Maselan masyado mga pinoy di nman natin alam storya tlga nyan..pano kung inalok pla sha ng fud at tumanggi sha? Sa mga ibang lahi straight forward cla kausap na pag nag sbi ka ng no di ka nila pipilitin..saten ksing mga pinoy nka ugaliaan na un "hiya muna" tipong pag inalok aayaw pero deep inside pakipot lang pla..tsktsk"
"Bka nman my behind s picture? Either pinakain n xa bgo umalis to focus sa work na or masakit ngipen nya or vege c girl..maraming dahilan.."

Naniniwala ang KAMI na di dapat maghusga agad sa isang bagay o sitwasyon lalo na kung di naman alam ang istorya o dahilan ng ganapang gaya nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel