Man of the hour! 12 Interesting things to know about the 'Glorious' hotness of Tony Labrusca

Man of the hour! 12 Interesting things to know about the 'Glorious' hotness of Tony Labrusca

Nawindang ang online world ng makita ang ngayon ay viral trailer ng pelikulang pinamagatang Glorious, na pinagbibidahan ng walang kupas sa ganda at galing na si Angel Aquino.

Sa sobrang hot at seksi ng eksena, pati ang international music superstar na si Lea Salonga ay napatweet bigla ito.

Kaya naman umabot nasa mahigit isang milyon ang views nito simula nang maiupload, at ang laman ng balita ngayon, sino ang gwapong lalaking ka-eksena ni Angel?

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ng KAMI ang umusbong na aktor at commercial model na talaga namang usap-usapan ngayons a social media dahil sa kanyang hindi maikakaila na good looks at hotness.

Kaya ngayon, kilalanin pa natin si Tony Labrusca sa pamamagitan ng 12 interesting things na dapat nating malaman tungkol sa makisig at gwapong aktor na ito.

1. He's only 23 years old, and he was born in Houston, Texas.

Si Anthony Angel Labrusca ay pinanganak noong August 7, 1995, sa Houston, Texas pero lumaki umano sa Los Angeles, California hanggang 9 years old.

Lumipat raw siya sa Canada, pagkatapos, ayon pa sa Rappler, kung saan una naming napag-alaman ito.

2. Apparently, he was "a cook, a shoe salesman, and a cashier," all at the same time, and then, he worked as a barber.

Habang nakabase raw sa Canada kasama ang kanyang pamilya, ginawa umano ni Tony ang lahat para kumita ng sariling pera.

3. His first claim to fame was the McDonald's Philippines TV ad in 2016 with Elisse Joson.

Una raw siyang nakita at nakilala sa hugot-driven commercial ng McDonald's Philippines TV ads noong 2016, na may pamagat na Tuloy Pa Rin at Kaya Niya, Kaya Mo, kasama ang dating PBB housemate na si Elisse Joson.

4. He auditioned for Pinoy Boyband Superstar in 2016.

Sumali siya sa bagong talent show ng ABS-CBN noong 2016 na pinamagatang Pinoy Boyband Superstar, kung saan pinamalas niya ang kanyang talento sa pagkanta, dagdag pogi points.

Hindi naman ito nakakagulat dahil ang kanyang seksi na mommy na si Angel Jones ay isa sa mga singers ng bandang Kulay.

Gayunpaman, hindi siya pinalad at umabot sa finals.

5. He was Jake, a werewolf, in La Luna Sangre.

Nakuha niya ang papel na Jake, isang lobo, sa katatapos lang na fantaserye ng Kapamilya network ang La Luna Sangre, na pinangungunahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

6. He took two lead roles on two official local indepedent film festival entries.

Ginawa niya ang dalawang opisyal local independent film festival entries na mga pelikula na pinamagatang ML, na pinangungunahan ng batikang aktor na si Eddie Garcia, at ang thriller film na Cinema One Originals entry na Double Twisting Double Back.

7. He hosted He Said, She said with Kisses Delavin on One Music PH.

Nakasama niya ang dating PBB housemate na si Kisses Delavin sa One Music PH show na He Said, She said, kung saan nabuo ang loveteam na KissTon.

8. His favorite color is blue and his favorite movie is The Time Machine.

Ang paborito niyang pelikula diumano ay ang Time Machine, na ayon sa PEP, kung saan namin nalaman ito, pelikula ito na lumabas noong 2002.

Ito'y tungkol raw sa isang lalaki sa 1800s na nawala ang asawa habang nag ice-skating.

Favorite color niya umano ay blue, at Filipino food ang gusto niyang pagkain.

Paborito niyang perfume ay YSL L’Homme, at ang favorite subjects niya sa high school ay ang Life Planning at Math.

9. He loves EverWing.

Isa itong Instant Games platform na online game na ginawa ng Blackstorm Labs at malalaro sa Facebook Messenger.

10. His first scare was the movie 'The Grudge.'

Ang kanyang unang heartbreak raw ay nangyari noong high school.

May crush daw siya noong time na iyon at naalala niya na binigyan niya ito ng tsokolate pero nireject umano siya.

Ang unang binili niya sa kanyang first salary ay sapatos.

At nang tanungin siya tungkol sa first time niyang naka feel na pagiging proud sa kanyang sarili.

Sagot naman niya:

"I felt proud of myself when I made an active decision to move here to the Philippines and be independent. When I started booking work and was able to provide for myself, I think that’s when I realized that this time I can really be proud of myself because I didn’t have to ask for my parents' help."

11. He's the sweetest and most thoughtful son his mom Angel knows.

He took his mom out to Sofitel and spent a hefty amount on their dinner when he could finally afford to give her an expensive dinner.

Bukod pa rito, naghanda siya ng isang bonggang sweet birthday surprise para sa kanyang ina na si Angel Jones.

12. His celebrity crush is the Darling of the Philippines and Kapuso star Heart Evangelista.

At nang tanungin daw siya tungkol sa kanyang celebrity crush, ang sagot niya umano ay si Heart Evangelista.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel