Lola, pinaghahandaan na ang kanyang pagkamatay

Lola, pinaghahandaan na ang kanyang pagkamatay

-Pinaghahandaan na daw ni lola Lolita ang kanyang kamatayan, sa katunayan, kumpleto na ang mga kakailanganin ng pamilya kung sakali

-Mayroon na siyang paglilibingan maging funeral plan, na kanyang binayaran para sa sarili

-86 taong gulang na si lola Lolita at malakas pa. Panalangin niya, humaba pa ang buhay niya, ngunit 'di rin naman daw siya takot na mamatay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakakapamalengke, nakakapagluto at nakakapaglaba pa si lola Lolita, 86 taong gulang. Malakas pa at walang nararamadamang sakit sa kanyang katawan.

Ngunit si lola Lolita, handa na raw sa kanyang pagpanaw.

1996 nang mabiyuda mula sa dating sundalong asawa. Dahil dito, nakatatanggap siya ng pension.

Mula dito, naghulog si lola Lolita ng P400 kada buwan para sa life insurance na nakumpleto niya sa loob ng 5 taon.

nang makumpleto, nakatanggap si lola Lolita ng P100,000 na siya namang ginamit para makabili ng lupa sa Heritage park sa Taguig na nagkakahalaga ng P65,000.

Sa ngayon, umaabot na sa P200-300,000 ang lupa dito.

Bukod dito, meron na ring funeral plan si lola Lolita at kasalukuyang naghuhulog para sa internment plan o paglilibing na nagkakahalaga ng P120,000.

Ayon sa kanya, ayaw niyang mahirapan ang kanyang mga anak sakaling siya'y biglang pumanaw.

Sabi naman ng pamilya, pinaguusapan daw nila ito dahil na rin sa mga nakita nilang problema sa iba kapag may pumanaw sa pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dasal ni lola Lolita, humaba pa ang kanyang buhay para makasama pa niya ang kanyang pamilya. Ngunit hindi rin naman daw siya natatakot sakaling kinin na siya ng Panginoon.

Sa mga pamilya Pilipino, kadalasan ay takot na pag-usapan ang paksa tungkol sa kamatayan, ngunit tila mas nahihirapan pa ang marami sa oras nito lalo pa at kapos sa mga kailangang bayaran para sa yumao.

Narito ang buong kwento:

Source: GMA News

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Scary Nun Prank Part 2 is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot the nun prank part 2– and we did it! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking nawala sa sarili, hinihinalang dahil sa droga

Lalaking nawala sa sarili, hinihinalang dahil sa droga

Lalaking nawala sa sarili, hinihinalang dahil sa droga
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel