Inakusahan ang PNP na diumano’y may 'tanim-droga' raw sa mga checkpoint

Inakusahan ang PNP na diumano’y may 'tanim-droga' raw sa mga checkpoint

- Isang diumano’y modus naman ang kinasangkutan ng pulisya ngayon

- Giit ng isang motorist ay laganap daw ang ‘tanim-droga’ sa mga checkpoint ngayon

- Sabi ng pulisya ay hindi naman daw totoo ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang viral post sa social media ang kumalat sa diumano’y ‘tanim-droga’ sa checkpoint ng pulisya. Nalaman ng KAMI na ayon sa kwento ng isang motorist ay pinahinto raw siya sa checkpoint at pinabuksan ang compartment ng kotse niya.

Base sa report ng ABS-CBN News ay wala naman daw nakita ang pulisya rito subalit hindi raw siya makampante kaya tinignan niya ang compartment ng sasakyan at doon daw nakita ang diumano’y isang plastik ng ilegal na droga.

Dagdag pa ng motorista ay may isa pa raw na checkpoint ang nakaabang sa kanya. Isa raw itong modus ng mga pulis upang makakuha ng pera.

Subalit, hindi naman ito kinumpirma ng Philippine National Police (PNP). Umabot na raw kay NCRPO Director Guillermo Eleazar ang issue na ito kaya nakipagcoordinate sila sa Mimaropa police regional director, Chief Superintendent Tomas Apolinario Jr.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang pari raw na nagngangalang Father Cordero ang nasa likod ng viral post. Nagpapunta raw sila ng pulis sa Divine Word College of Calapan at kinumpirmang mayroon dawn a Father Cris Cordero roon. Subalit, giit ni Father Cordero ay hindi raw siya nasangkot sa nasabing insidente sabi sa report ng Manila Bulletin.

“It appears that his name has been used by somebody. He does not know why he was dragged into this social media post,” sabi ni Apolinario.

Sabi naman ni PNP Chief Oscar Albayalde, isa raw “fake news” ang viral post.

Tila kasuspe-suspetya rin daw ang post dahil wala raw exact location na nilagay at anumang identity ng naturang motorista. Baka raw ginagamit lang itong paninira sa pulisya.

Giit naman ng PNP ay maaaring diretsong isumbong ng diumano’y biktima ang insidente diretso sa pulisya o sa Chief of Philippine National Police.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Cartoon - I Hate My Mother-in-Law – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel