Ilang Miss Earth contestants, may mga bigating akusasyon sa sponsor ng Miss Earth 2018

Ilang Miss Earth contestants, may mga bigating akusasyon sa sponsor ng Miss Earth 2018

- May mga delegates ng Miss Earth ang nagsasabing sila ay diumano’y hinalay habang nasa Pilipinas

- Sabi nila na isang sponsor daw ng event ang nangungulit sa kanila na pumuntang Boracay

- Subalit may contestant ding nagsasabi na hindi raw totoo ang mga ito at naging “safe” daw sila rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang araw matapos ganapin ang Miss Earth 2018 sa Pilipinas, tila may mga malalaking akusasyon ang ilang contestants nito sa isang sponsor nung event. Nalaman ng KAMI sa PEP.ph na tila ikinuwento nina Miss Earth Canada Jaime VandenBerg, Miss Earth England AbbeyAnne Gyles-Brown at Miss Earth Guam Emma Sheedy ang diumano’y panghahalay na nangyari sa kanilang pagbisita rito sa bansa.

Unang nagpost sa Instagram si Miss Canada, giit niya, kaya raw siya umalis sa Miss Earth dahil hindi raw siya naging komportable rito. Dagdag niya pa, tila may nagbigay daw ng number niya sa isang sponsor na walang pahintulot niya.

“The second day of the pageant I felt uncomfortable because a sponsor from the first night was given my phone number, without my consent, and was calling me asking for my hotel and room number,” sabi ni Miss Earth Canada.

Habang nasa isang event sa Manila Yacht Club, nagyaya rin daw ang sponsor sa ibang contestants na pumunta sa Boracay basta hindi raw ito pagsasabi sa iba. Tila hindi na raw nakayanan ni Miss Canada at ng iba pa kaya umalis daw sila sa event.

“A group of us left to sit out side as we did not feel comfortable. He followed us outside and was upset we were not dancing with him. The team mangers laughed and told us to be nice,” giit ni Miss Canada.

Bagamat nag-enjoy sa kanyang trip si Miss Earth England dito sa Pinas, tila may mga hindi raw magagandang nangyari sa kanya at diumano’y hinalay daw siya.

“I enjoyed 50% of my trip but the other 50% was over shadowed by feeling exploited, vulnerable, unnerved & sexually harassed as I was approached by a sponsor on many occasions who asked for sexual favours in exchange for the Crown,” sabi ni Miss Earth England.

Katulad ni Miss Canada, hinahanap din daw nung sponsor ang hotel number niya. Kahit daw na nagsumbong sila sa mga team managers ay hindi raw sila pinanigan ng mga ito.

“Another official attendee of the night told me not to cry as I would ruin my makeup! There was no respect or compassion shown to myself or Jaimie. I felt traumatised by this experience and had many sleepless nights,” dagdag din ni Miss England.

Si Miss Earth Guam naman ang nagbigay ng pangalan ng sinasabi nilang sponsor.

“The sponsor who’s name is Amado S. Cruz became a problem for many of the delegates, including myself,” rebelasyon ni Miss Guam.

“Amado S. Cruz grabbed my bare backside at the National Costume Competition where I was able to push him away, but he consistently told me not to tell anyone about any of the instances,” dagdag pa ni Miss Guam.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pero, tila iba naman ang naging experience ni Miss Earth Cuba Monica Aguilar. Para sa kanya, wala raw diumano’y ‘sexual harassment’ na nangyari sa patimpalak.

“I have been seeing posts being made of candidates bashing the Miss Earth Organization, and it's time to put a stop to it!!” sabi ni Miss Earth Cuba.

Dagdag niya pa, hindi naman daw panghahalay ang pagyaya ng sponsor sa Boracay. Sinabi rin niya na simula raw nung humindi siya sa invitation ay hindi na raw siya muling ginulo ng sponsor.

“I felt extremely safe this entire month under the care of our team managers. They counted our heads before we went on the buses, at the venue, and before we got off the buses.

“They even made sure we had police escorts to go to the bathroom!!!!” giit ni Miss Earth Cuba.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakukuha ang panig ni Amado S. Cruz.

Noong November 3, 2018 nga ay ginanap ang Miss Earth 2018 sa Mall of Asia Arena. Sa unang pagkakataon ay hinirang bilang Miss Earth si Phuong Khank Nguyen ng Vietnam ayon sa Rappler.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Cartoon - I Hate My Mother-in-Law – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel