Dating OFW, bumalik ng Pinas at mas pinili na lamang magtanim at magsaka

Dating OFW, bumalik ng Pinas at mas pinili na lamang magtanim at magsaka

- Dating OFW si Johnny Gatus na mas naging matagumpay nang siya ay bumalik ng bansa para magsaka

- Lumaki sa pamilya ng magsasaka si Johnny ngunit mas pinili niyang magtanim ng gulay

- Ngayon, napalago na niya ang kanyang negosyo at iba't ibang gulay na ang matatagpuan sa kanyang farm

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dating OFW si Johnny Gatus sa Saudi Arabia, ngunit di siya nagdalawang isip na bumalik ng bansa upang magtanim at magsaka.

Lumaki sa pamilya ng magsasaka si Johnny kaya naman di na bago sa kanya ang pinasok na negosyo sa Pinas.

Ngunit, mas pinili niya ang pagtatanim ng mga gulay kaysa sa pagatatanim ng palay.

Bagaman at limang taon din sa Saudi si Johnny, di na siya nagbalak na bumalik pa muli dahil sa tinutukan na niya ang pagpapalago ng negosyo niyang gulayan.

Hands-on siya sa mga pananim at siya mismo ang tumututok dito sa loob ng 10 taon.

Nagsimla si Johnny sa mga madadaling tumubong gulay gaya ng kamatis, okra, ampalaya at papaya.

Dating OFW, bumalik ng Pinas at mas pinilina lamang magtanim at magsaka

source: supplied

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Aminado si Johnny na maganda naman ang inikita niya noon sa Saudi ngunit di rin naman niya inakala na mas maganda ang kitaan sa kanyang gulayan.

Dahil dito, pinayabong din niya ang kanyang kaalaman sa pagtatanim sa pagdalo ng mga seminars at trainings ukol dito at lumapit din siya at humingi ng payo sa mga matatagumpay nang businessman ng kanilang lugar.

Dating OFW, bumalik ng Pinas at mas pinilina lamang magtanim at magsaka

source: supplied

Tumulong din sa ibang mga farmers si Johnny dahil sa nabigyan din niya ang mga ito ng trabaho.

Nakatutuwang isipin na mayroon pa ring mga kagaya ni Johnny na mas piniling manatili ng bansa at makatulong din sa kanyang mga kababayan kaysa manilbihan abroad at mapalayo sa pamilya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel