Kris Aquino, naimbitahan para mag-audition sa isang American television series

Kris Aquino, naimbitahan para mag-audition sa isang American television series

- Pagkatapos ng kanyang bonggang role sa box office Hollywood film na Crazy Rich Asians bilang si Princess Intan ay muling naimbitahan si Kris Aquino para mag-audition

- Ani pa ng Queen of All Media sa kanyang Instagram post na hindi kapanipaniwala ang kanyang natanggap na imbitasyon mula sa kanyang American agent

- Inimbitahan umano siya para mag-audition sa isang American television series para sa isang recurring role

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kahit dalawang taon na hindi nakikita ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa telebisyon ay tila hitik na hitik pa rin ang kanyang karera dahil kahit ano pa man ang sabihin ng iba, ika nga nila, Kris is Kris naman talaga.

Una, naging parte lang naman siya ng isang napakasuccessful at super hit sa box office na Hollywood film na Crazy Rich Asians, at hindi basta basta ang kanyang role doon dahil bonggang bongga naman talaga.

Ngayon naman, napag-alaman namin dito sa KAMI na naimbitahan pala ulit si Kris para mag-audition sa isang American television series.

At hindi lang basta basta na guesting dahil ito ay isang recurring role.

Ibinahagi naman ito ng Queen of endorsements sa kanyang IG.

Ani pa niya dito:

"My American agent sent me the script for a multi ethnicity production BUT this time for a unique type of series (i’ll know later if the role is still open because i didn’t see the email asking for me to submit my script reading by October 29). Just to be asked to do an audition to be a recurring character for a girl who hasn’t been on Philippine TV for more than 2 years & who binge watches US series as her favorite form of relaxation is SURREAL."

Hindi man niya nakita ang naturang email ng maaga kaya nahuli na siya sa submission sa kanyang script reading ay susubukan daw niya na magtanong kung available pa ba raw ang naturang role.

Gayunpaman proud na proud si Kris at feeling grateful naman talaga na nabigyan siya ng imbitasyon para mag-audition sa isang American TV series.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel