10 taong gulang na babae, tinuturong suspek sa pagkamatay ng 6 na buwang sanggol

10 taong gulang na babae, tinuturong suspek sa pagkamatay ng 6 na buwang sanggol

- Isang 10 taong gulang na batang babae ang suspek sa pagkamatay ng anim na buwang sanggol

- Aksedente niyang nabagsak ang sanggol at nang umiyak na ang sanggol, pinagtatadyakan niya umano ito

- Nakababahala ang pangyayari lalo pa at bata pa ang sangkot na dumating sa korte nang nakaposas pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 10 taong gulang na batang babae ang dumating sa korte noong Nobyembre 5 na nakaposas, ang kaso? pagkamatay ng isang anim na buwang sanggol.

Sa ulat ng The Asian Parent, nakatira ang batang babae sa isang ampunan na nagsisilbi ring daycare center sa Wheaton, United States.

Kinarga daw ng batang babae ang anim na buwang sanggol nang aksidente niyang mabitawan ito.

Naptama raw ang ulo ng bata sa tungtungan kaya naman iyak ito ng iyak. Nagpanick ang batang babae at di alam ang gagawin hanggang sa bigla na lamang daw nitong pinagtatadyakan ang ulo ng sanggol.

Dahil dito , dumugo ang ulo ng sanggol hanggang sa tila nawalan na ito ng malay. Nagkaroon ng multiple skull fracture. Sa kasamaang palad, pumanaw din ang sanggol noong Nobyembre 1.

Lumabas sa imbestigasyon ng police sa tulong ng mga medical specialist na may halong child abuse ang aksidenteng pagkalaglag ng sanggol.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagaman at ito ang kinalabasan ng imbestigasyon, kalunos-lunos ding isipin na kakasuhan ang bata ng first-degree intentionalhomicide. Nangangahulugang kinasuhan siya kahit pa siya ay menod-de-edad pa lamang.

Iyak ng iyak daw ang bata sa kabuuan ng paglilitis.

Dahil dito pinaalalahanan ng The Asian parent ang kahalagahan ng tamang pag-aaruga ng bata sa mga sanggol upang di na muli mangyari ang ganitong uri ng krimen.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Madalas mangyari sa mga bata! Brain disease dahil sa trangkaso

Madalas mangyari sa mga bata! Brain disease dahil sa trangkaso

Madalas mangyari sa mga bata! Brain disease dahil sa trangkaso
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel