Netizens, nagreact sa paninita ng pulisya sa mga guwardiyang naka-costume

Netizens, nagreact sa paninita ng pulisya sa mga guwardiyang naka-costume

- Tila hindi na nakalusot sa PNP-SOSIA ang mga guwardiyang naka-costume sa mga malls

- Lumalabag daw ito sa batas, ayon sa pulisya

- Pinagmumulta naman ng P400,000 ang mga lalabag dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang mall sa Quezon City ang diumano’y sinita ng PNP-Supervisory Office on Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) dahil sa mga guwardiya nitong nakasuot ng costume ngayong holiday season.

Nalaman ng KAMI sa GMA News na tila pinagmumulta pa ng pulisya ang security agency na umaabot ng P400,000 dahil sa diumano’y paglabag nito sa batas na pagsuot ng unprescribed uniform.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Base naman sa report ng ABS-CBN News, may nagreklamo raw na mga citizens ukol sa mga guwardiyang naka-costume.

“We received reports from concerned citizens kung bakit mayroong malls na naka-costume yung mga nandoon sa mga pagpasok o sa entrance. Kaya nagpagtupad agad ang ating Chief SOSIA ng operation to verify the complaint,” giit ni Superintendent Jaime Santos.

Paliwanag ni Santos, trabaho ng mga guwardiya ang siguraduhin ang kapakanan ng mga tao at hindi dapat gamitin upang magbigay kasiyahan o katuwaan sa mga tao.

“Unang-una, mataas yung security risks niya na maaaring gamitin or gayahin ng mga grupo na gustong gumawa ng krimen sa loob,” sabi ni Santos.

“Kapag may mga emergencies na kinakailangan ang presensiya at tulong nila hindi sila lalapitan dahil ang alam nila, ordinaryong employee,” dagdag niya pa.

Samantala, nagreact naman ang netizens sa paninita ng pulisya na ito. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook page ng GMA News:

“I have higher respect to this security in costume than those police in uniform involved in corruption, abuse of power and rape. Let’s clean our mess in our own table first before checking others. TY!”
“The guard must be in proper uniform kahit pa may event sa mall. He must give honor to his service and duty. Labag talaga sa security law doctrine yan.. The mall must be liable not the agency.”
“nakacostume rin naman yung pulis kasi BUWAYA sila nakacostume lang ng pulis ahahaha”
“bawal talaga yan kahit custume lang yan e nasa public kasi. bawal yan kasi yang kasootan na ganyan eh makikita mo yan sa mga HONOR GUARD. kung pagumultahin ng 400k ang agency e singilin nila yung kleyente nila kasi yun yung nag request ng ganyang custume”
“Ang pagmultahin nyo yung mga security agency na di nagpapaaweldo ng tama....ok naman kung naka costume sila good vibes nga eh...”
“Hindi kasalanan ng agency yan,request yan ng client yan na magcostume sila sa mall,malamang ang client ang magbabayad ng multa na papadanin sa agency”
“Buti nga nagbabantay nagtatrabaho ng maayos eh karamihan sa inyong mga pulis pa tulog tulog lng.. karamihan sa pulis ngayon criminal”

Dati na ngang naiulat ng KAMI ang pulis na nahulihang tumitira ng ilegal na droga habang nasa isang Halloween party. Naibalita rin ng KAMI ang pulis na diumano'y nang gahasa sa isang 15 na anyos na dalaga sa Maynila.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Cartoon - I Hate My Mother-in-Law – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel