Pagbibigay pugay! Mga batikang mang-aawit at artista, ginunita ang masayang alaala nila kay Rico J. Puno

Pagbibigay pugay! Mga batikang mang-aawit at artista, ginunita ang masayang alaala nila kay Rico J. Puno

- Binigyang pugay ng kanyang kasamahan sa industriya ang legendary OPM singer na si Rico J. Puno

- Nagbalik-tanaw ang mga batikang OPM singers at iba pang nakatrabaho ni Rico sa masayang alaala nila sa singer

- Ang necrological service at eulogy para sa kanya ay napuno ng tawa at kantahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binigyang pugay ang batikang mang-aawit na si Rico J Puno sa pamamagitan ng necrological service at eulogy na dinaluhan ng mga kapwa niya mang-aawit at mga malalapit na kaibigan at kamag-anak.

Napuno ng kantahan at katatawan ang pagbabalik-tanaw sa mga alaala ng namayapang singer.

Ayon sa ulat ng Pep.ph, nagsimula ang misa kagabi, November 7 ng pasado alas otso.

Kabilang sa mga kumanta ay ang mga kasamahan ni Rico na OPM Hitmakers na sina Nonoy Zuñga, Marco Sison, Rey Valera, at Hajji Alejandro.

Kinanta nila ang awiting "Kapalaran."

Kuwento pa ni Rey Valera, "Kapag nagkakagulo yung mga fans sa kanya, bigla siyang sisigaw sa mic, 'Wala bang bata-bata diyan?!"

Nagtawanan naman ang mga dumalo nang ikuwento ni Bibeth Orteza ang nakakatawang memories niya sa kababata at schoolmate na si Rico.

Hindi napigilang matawa nina Angeline Quinto at Erik Santos at pati na rin ni Jayda Avanzado habang nakikinig sa kapilyuhan ng batikang singer mula nang bata pa ito.

Ayon sa kuwento ni Bibeth si Rico daw ang pinakaunang lalaking nagpaiyak sa kanya.

Noong sila ay grade 6 diumano ay napansin ni Rico ang kanyang first time na magsuot ng bra.

"Si Orteza naka-bra! E, kasi ang laki!" sigaw daw ni Rico.

Dahil dito ay nagsumbong si Bibeth sa kanilang teacher at nangako daw si Rico na di na daw niya uulitin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Makalipas ang dalawang araw, sumigaw ito uli, "Si John Lennon naka-bra! Ang laki kasi!"

Napaiyak uli si Bibeth at nagsumbong sa teacher. Katwiran daw ni Rico, "Hindi ko sinabing Orteza. Kaanu-ano ba niya si Lennon, ba't siya umiyak?"

Ibinahagi din ng ilang katrabaho niya ang dedication nito sa trabaho. Ayon pa kay Claire,

Nagpatunay naman sina Claire dela Fuente, Imelda Papin, at Eva Eugenio kung gaano katindi ang pagmamahal ni Rico J sa trabaho. "Dumating siya naka-stretcher talaga at saka naka-oxygen!"

Tumawag daw si Rico kay Claire tatlong linggo bago siya pumanaw at ibinalitang magaling na siya.

Napuno ng katatawanan at pagmamahal sa yumaong singer ang eulogy. Patunay lamang kung anong klaseng tao siya bilang kaibigan, katrabaho at kapamilya si Rico J. Puno.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel