Hilot, albularyo o Mefenamic?! DOH, pinag-iingat ang mga Pinoy sa self-medication

Hilot, albularyo o Mefenamic?! DOH, pinag-iingat ang mga Pinoy sa self-medication

- May babala ang DOH sa mga taong mahilig mag self-medicate

- Giit naman ng PSA ay dahil sa pagtitipid kaya mas pinipili ng mga Pinoy ang self-medication

- Bagamat wala namang masama ay delikado pa rin daw ito sabi ng DOH secretary

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagtaas na nga ang presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa. Kaya naman kahit na may iniindang sakit, mas gusto ng mga Pinoy kung saan makakamura. Nalaman ng KAMI na ilan nga sa mga Pilipino ang gumagamit na lamang ng Mefenamic acid o kaya naman nagpapahilot o pumupunta sa albularyo kaysa magpakunsulta sa doktor.

Base raw sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA), bukod sa pagtitipid ay mas pinipili din ng mga Pinoy self-medication dahil wala talagang access sa mga ospital.

"Ayon sa pag-aaral namin, hindi sila pupunta sa ospital hangga't hindi malala ang sakit o di kaya magpapahilot o albularyo...Impression nila magastos magpadoktor," giit ni Carmelita Ericta ng PSA.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi naman sa report ng ABS-CBN News, may babala ang Department of Health sa mga nakagawian na ang self-medication. Wala naman daw masama rito sabi ni Health Secretary Francisco Duque III, subalit may posibilidad na mas lumala pa ang sakit katulad na lang ng basta-bastang pag-inom ng anti-biotics na wala namang reseta ng doktor.

"Some of these interventions are probably not evidence-based. That might put them at risk...That will contribute to anti-microbial resistance. Hindi na gagana," sabi raw ni Duque ayon sa

Giit din ni Duque, masosolusyunan ito kapag naipatupad na ang universal health care (UHC) na isinusulong ang “no balance billing” at paglalagay ng mga health facilities sa mga malalayong lugar. Nitong Oktubre nga lang ay inaprubahan na sa Senado ang Universal Health Care Bill ayon sa report ng CNN Philippines.

Hilot, albularyo o Mefenamic?! DOH, pinag-iingat ang mga Pinoy sa self-medication
Photo from UNTV
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Halloween makeup tutorial - we will teach you how to make a scary nun makeup! Scary nun is a horror character, famous not only in the Philippines but also around the world. So we can safely say that this year her costume is a real Halloween hit! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)