Xander Ford, naispatan daw sa mall na mag-isa at bumabalik na sa dating itsura

Xander Ford, naispatan daw sa mall na mag-isa at bumabalik na sa dating itsura

- Naispatan diumano sa isang mall si Xander Ford na walang alipores

- Ito ay iniulat sa Inquirer Bandera at sinabi pa na bumabalik na daw ang itsura ng aktor

- Dumipensa naman ang ilang netizens sa bali-balitang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May nakakita diumano sa retokadong aktor na si Xander Ford na pagala-gala o paikot-ikot na lang sa isang mall nang walang sino man na kasama.

Ito ay iniulat ng Inquirer Bandera ngayong November 7 matapos nilang makakuha ng impormasyon mula sa isang grupo na naroon din sa mall kung saan naispatan si Xander.

Nalaman din ng KAMI na ayon sa mga nakakita ay unti-unti na daw nawawala ang kinis ng mukha nito at bumabalik na sa dating itsura.

Bagama’t walang litrato na ipinakita, sinabi daw ng naka-witness sa paglilibot ng aktor sa mall na kaawa-awa na ngayon ang kinalabasan ng naging operasyon sa kanyang mukha.

“Nakakaawa na ang itsura niya, paikut-ikot siya sa mall, kami lang yata ng mga friends ko ang nakapansin sa kanya,” pahayag ng saksi sa panayam ng Inquirer Bandera.

“Nag-iisa na lang siya, hindi gaya nu’n na ang dami-dami niyang kasamang mga alipores niya, iniwan na yata siya ng mga amuyong niya dahil wala namang nangyari sa career niya!” dagdag pa niya.

Hanggang ngayon ay wala pa ring kompirmasyon ang aktor kung totoo o hindi ang ibinibintang sa kaniya tungkol sa pagbabago ng kaniyang itsura.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit ngayon pa lang, dinipensahan na siya ng mga netizens na disappointed din sa mga ipinaparatang sa aktor.

“Stardom and being a celebrity is not the end all be all. It may not be for you but there will be other doors waiting for you to open them. Stay strong,” ayon sa isang social media user.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, inamin ni Xander na ginawa niyang motibasyon ang sandamakmak na bashers upang magpursige sa kaniyang pag-aaral.

Focused din daw ang celebrity sa pag gym at workout upang paghandaan ang kung ano man na maging offer sa kaniya sa showbiz.

Si Xander, o mas nakilala noon bilang si Marlou Arizala ng Hasht5, ay pinag-usapan dahil sa kaniyang panibagong itsura na unang ibinunyag sa programang Rated K ng ABS-CBN.

Simula nang magpa-retoke ang aktor, kaliwa’t-kanan na ang kontrobersiya na kinsangkutan niya katulad ng kaniyang biglaang pagkawala, panlalait kay Kathryn Bernardo, at ang pagpapahiwatig na siya ay depressed.

POPULAR: Read more news about Xander Ford!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death! (Laughs evilly) – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID

Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID

Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel