Mga taong ayaw magbayad ng utang, mas madali nang makakasuhan ayon sa Korte Suprema
- Naipatupad na nga noong 2016 ang revised small claims
- Mas pinasimple at pinabilis ang proseso upang magsampa ng kaso sa mga taong hindi nagbabayad ng utang o renta o serbisyo
- Sabi nga ni dating chief justice Maria Lourdes Sereno, ito raw ay “abot-kayang hustisya”
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Noong 2016 nga ay ipinatupad ng Korte Suprema ang revised small claims upang mabawasan ang mga kasong may kaugnayan sa hindi pagbabayad ng utang, renta, serbisyo, pagbebenta o pagsasangla.
Nalaman ng KAMI na mas pinaiksi na ang panahong hihintayin para malaman ang desisyon ng korte. Makukuha na raw ito sa loob ng 30 araw mula nang maihain ang kaso.
Base sa report ng ABS-CBN News ay hindi na rin kakailanganin pa ng abogado para sa mga sisingilin na hindi lalagpas ng P200, 000. Para magsampa ng kaso, kailangan lamang ng small claims form at mga karagdagang dokumento.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Matapos nito ay agad na sasabihan ang inirereklamo at magbibigay ng petsa sa hearing. Kung sakaling hindi maresolba sa hearing, magbibigay ng desisyon ang korte sa loob ng isang araw.
Mas pinababa na rin ang presyo ng filing fee. Maaari ring makakuha ng exemption ang mga indigent o mga taong wala talagang pagkukuhanan ng pera.
Giit naman ng dating chief justice na si Maria Lourdes Sereno, ito raw ay isang “abot-kayang hustisya” para sa mga tao. Kaya naman ginawa raw nila itong mas simple at mabilis.
Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang link na ito.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Halloween makeup tutorial - we will teach you how to make a scary nun makeup! Scary nun is a horror character, famous not only in the Philippines but also around the world. So we can safely say that this year her costume is a real Halloween hit! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh