Pantawid beneficiary, nag-top sa Naval Architecture Board Exams, kuwento ng pagsisikap kanyang ibinahagi

Pantawid beneficiary, nag-top sa Naval Architecture Board Exams, kuwento ng pagsisikap kanyang ibinahagi

- Isang beneficiary ng 4Ps program ng gobyerno ang nag-top sa Naval Architecture Board Exams

- Akala noon ni Joseph ay di na niya maaabot ang mga pangarap pero di siya huminto sa pagsisikap

- Pinag-igihan niya ang pag-aaral, nabigyan siya ng scholarship, nakapagtapos at nag-top pa sa exam

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang tunay na inspirasyon ang kuwento ng nagtop sa Naval Architecture Board Exam na si Joseph Vincent Y. Satura.

Nalaman ng KAMI na sila'y mahirap, anak ng isang beneficiary ng 4Ps na programa ng gobyerno.

Ngunit sa kabila ng kahirapan, ang kanyang pagsisikap ay nauwi sa pagsungkit sa pinakamataas na rating na 92.20% sa nasabing board exam.

Pantawid beneficiary, nag-top sa Naval Architecture Board Exams, kuwento ng pagsisikap kanyang ibinahagi

Pantawid beneficiary, nag-top sa Naval Architecture Board Exams, kuwento ng pagsisikap kanyang ibinahagi

Ayon sa ulat ng Buzzooks, nangarap si Joseph na maging engineer at mabigyan ng bahay ang kanyang pamilya.

Dahil mahirap sila, inakala ni Joseph na di na niya mararating ang pangarap.

Buti na lang di siya tumigil sa pagsikap at nabigyan ng scholarship ng ship-building company na Tsunishi Foundation Inc. sa Cebu.

Wala man ang engineering course sa listahan ng scholarship grants, pinili ni Joseph ang Bachelor of Science in Naval Architecture and Marine Engineering sa University of Cebu.

Binigyan siya ng trabaho habang nagpe-prepare sa Board Exams.

At, talagang nagbunga ang mga paghihirap ni Joseph.

Nag-top siya sa Board Exams!

Ayon pa sa report, sabi ni Joseph, "I didn't expect to be on top because what my friends and I wanted was ony to pass the exam."

Ngayon, maaari nang i-plan out ni Joseph paano niya maibibigay ang pangarap na dream house para sa pamilya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel