Misis at number 2, pinag-aagawan ang mister hanggang kamatayan

Misis at number 2, pinag-aagawan ang mister hanggang kamatayan

- Dumulog kay Raffy Tulfo ang misis kay Raffy Tulfo upang humingi ng tulong na makuha ang labi ng kanyang mister

- Ang number 2 umano ng mister ang nagpalibing na dito dahilan sa 26 na taon na silang hiwalay

- Sinubukang ilaban ng misis ang karapatan niyang kunin ang labi ng asawa ngunit kalaunan ay ipinaubaya na rin niya ito sa kinasama ng kanyang mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi ng tulong ang misis na si Marilyn Alap sa program ni Raffy Tulfo upang makuha ang labi ng kanyang asawa.

Ayon sa ulat ng Manila Flash, hanggang kamatayan ay pinag-aagawan ang namayapa nang mister ni Marilyn.

Emosyonal na nagsalita ang number 2 ng mister na si Geraldine Mondares patungkol sa pagkuha ng mga labi ng nobyo sa kanya. Nakalipas na raw kasi ang 26 na taon at ngayon lamang daw naisip ni Marilyn na gawin ito.

Ganoon na rin kasi katagal hiwalay si Marilyn at ang mister at mula noon, si Geraldine na ang kinasama nito.

Ayon kay Marilyn, gusto raw kasi ng kanilang mga anak na mailibing ang ama sa sarili nilang pamamahay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinaliwanag rin ni Raffy kay Geraldine na bagaman siya ang kinasama ng lalaki sa matagal na panahon, si Marilyn pa rin ang legal na asawa nito.

Dito nagdesisyon na si Marilyn na daanin sa legal na proseso ang lahat. Sinamahan din ng Team ni Tulfo si Marilyn sa lugar ni Geralsine ngunit tila handa na ito at nakakandado talaga ang bahay nito.

Nagpunta rin sila sa lugar kung saan nakalibing ang lalaki ngunit at nagkaroon pa ng eksena roon dahil sa pagpupumilit ni Marilyn na makukuha rin niya ang labi ng mister.

Ngunit, ilang araw ang nakalipas, sumuko na agad si marilyn at pinagpaubaya na ang labi ng mister sa lugar nina Geraldine.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel