Guro, huli sa video na pinagsasapak ang 14 taong gulang niyang estudyante

Guro, huli sa video na pinagsasapak ang 14 taong gulang niyang estudyante

- Huli sa akto ang guro na si Marston Riley na pinagsasapak ang kanyang estudyante

- Pinalalabas daw ni Riley ang estudyante di nakasuot ng tamang uniporme ngunit di ito umalis

- Ayon sa mga kaklase, nang-insulto pa di umano ang estudyante sa guro sa pagiging "black" nito na siyang naging dahilan ng kaguluhan sa klase

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa southeast Los Angeles, California, high school partikular sa Maywood Academy High School, huli sa akto ang music teacher na si Marston Riley na nanuntok at nanapak ng kanyang 14 na taong gulang na estudyante.

Ayon sa ulat ng CNN, aktong nakunan ang kaguluhan sa harap mismo ng klase ni Riley at kitang kita na gumaganti rin ng suntok ang estudyante.

Sinubukang yumuko ng bata at nahakan na nito ang binti ng guro na patuloy pa rin ang panununtok at pagsapak sa kanya.

Natigil lamang umano ang kaguluhan nang may dumating nang campus resource officer na pilit nang pinaghihiwalay ang dalawa. Ngunit, kapansin-pansing galit na galit ang guro na patuloy pa rin ang ang pananapak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa ibang estudyante ni Riley, nag-umpisa ang pagtatalo at pananakit nang pilit na pinalalabas ng guro ang estudyanteng di nakasuot ng tamang uniporme. Di raw ito lumabas at nanatili sa klase.

Sabi pa ng ilang estudyante, pinagmumura raw ng binatilyo ang guro at iniinsulto pa di umano ito sa pagiging "itim" nito, isang uri ng diskriminasyon sa Amerika.

Agad namang dinala sa ospital ang binatailyo na nagtamo lamang ng minor injuries habang nakasuhan naman ng child abuse ang guro. Nakapagpiyansa raw ito at nakalaya ngunit dadaan pa rin ito sa arraignment sa November 30.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel