Kilalanin si Tenshin Nasukawa, ang ‘Ninja Boy’ na handang talunin si Floyd Mayweather Jr.

Kilalanin si Tenshin Nasukawa, ang ‘Ninja Boy’ na handang talunin si Floyd Mayweather Jr.

- Si Tenshin Nasukawa ay isa ring undefeated na kickboxer

- Kilala siya dahil sa kanyang bilis at galing ng kanyang kaliwang kamao

- Maghaharap sila ni Floyd Mayweather Jr. sa December 31

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Japanese kickboxer na si Tenshin Nasukawa ang lalaban sa boxing icon na si Floyd Mayweather Jr. sa December 31, 2018. Nalaman ng KAMI sa ABS-CBN News na tila ‘sing bilis daw ng kidlat ang kanyang kaliwang kamao na magbabago sa buong mundo at siya rin ay hinirang bilang ‘Ninja Boy’.

Ang 20-year-old na kickboxer na lumaki sa Chiba, Japan ay nagsimulang matuto ng karate noong siya ay 5 anyos pa lamanag. Parehas lang sila ni Mayweather na undefeated. Ang kanyang record ay 27-0 at ang 20 sa kanyang panalo ay nauwi sa knockout. 4-0 naman ang kanyang record sa MMA.

16 years old pa lamang siya noong sinimulan niya ang kickboxing at simula noon ay nananalo na siya bilang champion. Tampok naman ang kanyang galing lalo na sa Japan. Kanyang panlaban ang kanyang kaliwang kamao at galing sa karate.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Base sa report ng The Independent, tila naniniwala raw si Nasukawa sa alien. Aniya, “There is definitely life outside of Earth for sure. I believe they were here before us.” Ang kanyang nakababatang kapatid na babae na si Riri Nasukawa ay isa ring kickboxer.

Para naman kay Mayweather, bilib din siya sa galing ni Nasukawa at tinawag pa itong “gym rat”.

“He's very special, he's fast, he's strong. I'm older now and when it comes to experience, I have it on my side. He has youth on his side and he's going to bring a lot of excitement," giit ni Mayweather.

Maglalaban si Nasukawa at Mayweather sa Rizin Fighting Federation. Gaganapin din ito sa Japan sa New Year’s Eve.

Samantala, naiulat nga ng KAMI noon na matapos ang laban ni Mayweather kay Nasukawa ay magkakaroon sila ng rematch ni Manny Pacquiao sa susunod na taon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Halloween makeup tutorial - we will teach you how to make a scary nun makeup! Scary nun is a horror character, famous not only in the Philippines but also around the world. So we can safely say that this year her costume is a real Halloween hit! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, sobrang na touch at pinuri ang uncut interview ni Toni Gonzaga sa TWBA

Netizens, sobrang na touch at pinuri ang uncut interview ni Toni Gonzaga sa TWBA

Netizens, sobrang na touch at pinuri ang uncut interview ni Toni Gonzaga sa TWBA
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel