Top 10 Most Inspiring Pinoy Global Headliners ng 'Ang Pinaka'

Top 10 Most Inspiring Pinoy Global Headliners ng 'Ang Pinaka'

Sa November 4, episode ng 'Ang Pinaka' sa News TV ng GMA, ibinahagi nila ang top 10 most inspiring global headliners na mga Pinoy.

Sila yung mga Pinoy na kinilala sa global scene o stage dahil sa kanilang angking galing, talino, at mga natatanging talento.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang naturang listahan at ngayon ay ililista namin sila, accordingly.

1. Maine Mendoza

Top 1 nga ang Eat Bulaga dabarkad na si Maine Mendoza sa listahan ng Ang Pinaka: Most Inspiring Pinoy Global Headliners.

2. Hidilyn Diaz

Ang nagtapos umano sa "Philippines' 20-year Olympic medal drought."

Isang bronze medalist sa 2007 SEA Games sa Thailand, at naging 10th place sa 2006 ASian Games sa 53-kg class.

Noong estudyante pa raw siya sa Universidad de Zamboanga, representing her university, nanalo din umano siya ng dalawang gold at silver sa Asian Youth/Junior Weighlifting Championship na ginanap sa Jeonju, South Korea.

Noong 2016, inuwi niya ang Silver medal sa 2016 Summer Olympics weightlifting, women's 53 kg, at noong 2018 sa Asian Games, inuwi naman niya ang Gold medal sa parehong kategorya.

3. Kris Aquino

Naging head-turner din ang Queen of All Media na si Kris Aquino nang maging party ng isang successful Hollywood film na Crazy Rich Asians.

4. Margielyn Didal

Naging kilala na professional street skateboarder umano si Margielyn Didal noong nagcompete siya sa X Games Minneapolis 2018 at naging gold medalist sa 2018 Asian Games.

5. Christian Toledo at Jevh Maravilla

Ang dalawang Fil-Ams na sumikat dahil sa kanilang McDonald's prank at nag-guest pa sa Ellen DeGeneres show.

6. Kelsey Merritt

Si Kelsey Merritt ang kauna-unahang Pinay model na rarampa sa Victoria's Secret Fashion Show.

7. Pia Wurtzbach

Nasa top 7 ang 2018 Miss Universe titlist na si Pia Wurtzbach na talaga namang pinag-uusapan sa buong mundo dahil na rin sa pagkakamali noon ng host nito na si Steve Harvey.

Siya din ang kauna-unahang Pinoy na magkakaroon ng wax figure sa Madam Tussauds sa Hong Kong.

8. Joan Carling

Si Joan Carling ay ang 2018 UN Environment Champion of the Earth.

9. Dr. Astrid S. Tuminez

Ang kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University ay ang ating kababayan na si Dr. Astrid S. Tuminez.

10. Bob Nicolas

Ang Pinoy videographer na siyang gumawa sa mga napakasweet na wedding videos ng mga sikat gaya nina Toni Gonzaga at Paul Soriano, at ang kina Billy Crawford at Coleen Garcia.

At ang kina Justin Pitt at Cristalle Bello, na siyang nagpanalo sa kanya ng wedding/engagement short film category of the Wedding and Portrait Photographers International (WPPI) Awards for Filmmaking.

Ito raw ang Oscars ng wedding film and videography.

Tingnan ang buong listahan sa video sa baba.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho

Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho

Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel