Napathrowback si Luis Manzano sa heartwarming birthday message niya kay Ate Vi

Napathrowback si Luis Manzano sa heartwarming birthday message niya kay Ate Vi

- Kamakailan nga ay nagdiwang ang Star For All Seasons na si Vilma Santos ng kanyang 65th birthday noong November 3

- Hindi naman nakalimutan ng kanyang panganay na anak na si I Can See Your Voice host Luis Manzano na bumati sa kanya

- Ginamit ni Luis ang kanyang social media page para bumati sa ina at napathrowback sa pagbahagi ng mga lumang larawan ng kanyang batikang aktres na ina

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted nga ng KAMI ang heartwarming birthday message ni Lucky o mas kilala na ngayon na ang I Can See Your Voice host na si Luis Manzano sa kaarawan ng kanyang mommy Vi, Vilma Santos.

Ginamit ng award-winning TV host ang kanyang Instagram account para bumati sa kanyang ina na nagdiriwang ng 65th birthday noong November 3.

Napathrowback nga si Luis sa kanyang post, kung saan makikita ang mga lumang larawan ng kanyang multi-awarded actress na ina na si Vilma Santos.

Ang nasabing post ay mayroong dalawang litrato, na ang una ay isang photo collage ng mga larawan ni Vilma noong kabataan pa niya at ang pangalawa ay isang throwback photo pa rin pero dito kasama na ang TV host na batang bata pa at ang kanyang younger brother na si Ryan Christian Santos Recto na baby pa, karga karga ng kanyang mommy.

Isang short but absolutely sweet and heartwarming birthday message ang sinulat ni Luis Manzano sa kanyang caption.

"Happy happy birthday Momski @rosavilmasantosrecto !! You’re the best! Love you! Swipe!! "

Sweet naman ng reply ni Vilma Santos sa kanyang anak na si Luis.

Ani ni Ate Vi:

"Lucky my son ... thank you sooooo much ! I LOVE YOU ANAK KO !"

Bumuhos naman ang mga reaksyon at greeting ng mga faney.

"Happy Birthday to your mom! She has been my idol not only as an actress, but also as a public servant & most esp as a mom. She has brought up a good son"
"Iba tlga beauty ni Ate Vi chinita princess original."
"Happy Happy Birthday Governor Vilma Santos Recto! Thank you for everything Gov. We are proud of you."
"Happy birthday to you my superstar ng buhay ko miss Rosa Vilma Santos Recto!!! Wish you good health!!! God bless"
"I admire and respect her grace, integrity and decency ,and beautiful person in and out"

Ibinahagi namin ang pagdiriwang sa kaarawan ng nag-iisang Star For All Seasons Vilma Santos na nagdiriwang rin ng kanyang 56th anniversary sa showbiz.

Si Luis Manzano ay ang panganay na anak ni Vilma Santos sa unang asawa na si Edu Manzano.

Makikita si Luis ngayon bilang host ng hit Kapamilya show na I Can See Your Voice.

POPULAR: Read more news about Luis Manzano here

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID

Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID

Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel