Netizen na di mahilig sa ice cream, bumibili pa rin sa vendor nitong hirap nang maglakad

Netizen na di mahilig sa ice cream, bumibili pa rin sa vendor nitong hirap nang maglakad

- Viral sa socmed ang post patungkol sa ice cream vendor na matanda na at hirap nang maglakad

- Bagaman at tunaw na raw ang ice cream na nilalako, bumibili pa rin daw ang netizen na si Tasha Lelis Espenida

- Walang hangad ang mga netizen kundi ang matulungan ang matanda, at umani naman ng papuri ang netizen na tumutulong sa ice cream vendor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa munting paraan na pagbili sa halos tunaw na ice cream, natutulungan na ng netizen na si Tasha Lelis Espenida.

Ayon sa kanyang viral post, wala naman daw talagang hilig sa ice cream ang netizen ngunit dahil sa malasakit sa matandang vendor, araw-araw daw siyang bumibili.

kapag narinig na niya ang kalembang nito, lumalabas talaga siya at tila ba ay may nag-uudyok na pakyawin na ang mga panindang ice cream ng lolo.

Kitang kita kasing hirap na itong maglakad, marahil sa layo na rin ng kanyang nilakad na mahahalata naman dahil sa nagkanda tunaw na ang mga paninda nito.

Mapapansin din daw na hirap na ang matanda sa kanyang kalagayan ngunit patuloy parin daw ang paglalako nito umulan man o umaraw.

Samantala, nadurog din ang mga puso ng mga netizens na nakabasa ng post na ito at wala silang ibang hangad kundi ang matulungan ang matandang ice cream vendor.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"naiyak aq "
"Nakakaawa nman c tatay..."
"sana khit papano matulungan c lolo hirap na maglakad. Pero kayod pren cya kht matanda na"
"Kawawa naman ang ganang tao nag hihirap kahit matanda nah"
"Dapat ang mga ganito tao tinotulongan ng gobierno."
"saludo kay tatay sa sobrang sipag nya"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel