Bottled iced coffee, sanhi raw ng muntikang pagkamatay ng isang lalaki

Bottled iced coffee, sanhi raw ng muntikang pagkamatay ng isang lalaki

- Viral ngayon ang post patungkol sa isang lalaki na nasugod sa ospital dahil sa bottled Kopiko black iced coffee

- Pagkainom daw nito ng lalaki ay bigla na lang itong nanigas at namanhid ang kanyang katawan

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang post at karamihan ay nagsasabing maaring di lang daw kinaya ng katawan ng lalaki ang naturang inumin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa socmed ang post ng isang netizen na nagngangalang Julio Gallego. sa post ni Julio, nagbigay babala siya patungkol sa pag-inom ng bottled Kopiko black iced coffee na sanhi raw ng inaakala niyang muntikang pagkamatay.

Kwento ni Julio, pagkainom daw niya ng naturang inumin bigla na lamang daw bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nakaranas din daw siya ng paninigas ng katawan at pagkamanhid.

Makikita sa larawan ng kanyang post na sinugod siya sa ospital marahil sa takot na kung ano pa ang di magandang mangyari sa kanya.

Sinabi rin niya na kailanman ay di na muli siyang iinom ng naturang kape at nagbigay babala na rin si Julio na huwag sanang mangyari pa sa iba ang nangyari sa kanya.

Laking pasalamat naman niya na nanumbalik ang kanyang lakas at nakaligtas siya sa anumang peligro bunsod ng pag-inom daw ng bottled Kopiko black iced coffee.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon ang post. May ilang nagsabi na marahil di lang kinaya ng sistema ng kanyang katawan ang ganoong klaseng inumin.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kopiko in a bottle seems like DOUBLE BLACK COFFE in coffe machine..means double the caffine intake.."
"Wala naman yan sa produkto.. baka hindi kaya ng katawan mo yung klase ng ganyang kape... Or baka may komplikasyon ka na tapos nagkataon lang na uminom ka nyan or yan yung nag trigger... tignan mo din baka sa sarili/katawan mo may problema"
"High blood ka lang te... naninira agad ng produkto"
"Matapang kasi yan eh .... minssn na akong uminom pero di bottled yung sachet lang pero yung black 2 timpla di ko kinaya grabe ang palpitation ko"
"Trigger kasi yan sa anxiety hindi naman yan nakakamatay"
"That drink contains certain component that may trigger ung xsisting condition ng uminom..... Wala sa product yan..... Lahat ng drinks na my component na coffein nakakacause ng palpitation tachycardia and chestpain etc......"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel