Bilog ang mundo! Pinay DH turned businesswoman, recalls hardships

Bilog ang mundo! Pinay DH turned businesswoman, recalls hardships

-Hindi naging madali ang kanyang naging simula lalo pa hindi niya kasundo ang kanyang naging amo

-Ngunit hindi naman doon matatapos ang kanyang buhay lalo pa at may mga umaasa sa kanya

-Hindi rin naging madali ang kanyang naging mga desisyon, ngunit siniguro daw niya na may mapupuntahan lahat ng kanyang paghihirap bilang DH

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi naging maayos ang nagng relasyon ng kababayan nating si Janette sa kanyang naging unang amo.

Namasukan kasi siya bilang Domestic helper sa Hong Kong.

Nakaranas umano siya doon ng pagkagutom.

Ngunit hindi doon natapos ang kanyang hirap. Sa pangalawang employer, kahit maayos naman ang pakitungo sa kanya ng Australian na amo, hindi pa rin naging madali ang kanyang trabaho dahil din sa Pinay na asawa nito.

Ayon kay Janette, mahirap rin pala kung mamasukan sa Pilipinong amo.

"Siguro doon ako mas namulat na mahirap maging katulong lalo na kung Pilipina ang amo."

Ngunit dahil may mga umaasa at nakasanla ang kanilang properties, hindi nagpadala si Janette sa pagsubok ng buhay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagsimula siyang magbenta ng kung ano-ano sa mga kapwa Pilipino rin sa Hong Kong, at dahil sa likas na mahilig sa negosyo, naging maayos ang kanyang kita rito.

Hanggang sa isang kaibigan ang nag-alok sa kanya na magbenta ng mga produkto mula sa Hong kong sa Pilipinas.

Humingi siya ng tulong sa kanyang pamilya upang maayos na mapalakas ang negosyong nais pasukin.

Kinailangan pa niyang mangutang sa banko ng magsimulang lumbo ang kanyang buy and sell.

Sabi pa ni Janette, lahat ng kanyang sweldo bilang DH ay ibinabayad na niya sa kanyang loan ngunit maayos naman ang kitaan sa kanyang negosyo.

Hanggang sa nagpasya na siyang tapusin na lamang ang kontrata at umuwi na lamang sa Pinas. Isang dahilan na rin daw ay ang kanyang responsibilidad bilang ina at asawa.

Sa ngayon, patuloy na maayos ang kanyang kinikita sa kanyang negosyo. Mas natutukan na niya ito at agad na nalulunasan ang mga nagiging problema dahil sa oras na naibibigay niya rito.

Bilog ang mundo! Pinay DH turned businesswoman, recalls hardships

Photo source: Janette Esteban

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Scary Nun Prank Part 2 is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot the nun prank part 2– and we did it! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel