5 Pinoy celebs na naging food servers bago umano sumikat

5 Pinoy celebs na naging food servers bago umano sumikat

Bago pa man daw sila sumikat at naging isang mga kilalang artista at malalaking bituin ay naging food servers muna sila sa isang restaurant o fast food chains.

Iba talaga ang nakakamtan sa mga taong nagsusumikap at hindi tumitigil sa pagtatiyaga sa buhay.

Ika nga nila, pag may itinanim, may aanihin at tila ito ang landas at grasya na natanggap ng mga sikat mga male showbiz personalities na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngayon, ibabahagi ng KAMI ang lima (5) sa kanila sa listahan sa baba.

Ayon pa sa PEP, kung saan una naming naispatan ang listahang ito, sila ang lima sa mga sikat na male celebs na paalaala sa ating lahat na walang sino man ang makakapabagsabi sa atin na:

"Hanggang diyan ka na lang" or "Wala kang mararating."

1. Richard Gomez

Bago pa man umano nakilala si Richard "Goma" Gomez bilang Adonis of the Philippine Movies, naging isang crew member muna raw siya sa McDonald's, kung saan siya nadiskbure ng namayapang manager na si Douglas Quijano habang nagseserve ng burgers at fries sa huli.

Ngayon, isang masagana, maganda, at masayang buhay pamilya ang mayroon siya kasama ang napakagandang misis na si Lucy Torres-Gomez at ang kanilang maganda ring unica hija na si Juliana.

Siya rin ang kasalukuyang mayor ng Ormoc City sa Leyte.

2. Martin Nievera

Ang Concert King na si Martin Nievera ay nilaan ang kanyang teenage days sa paghahanda ng mga burgers sa kanilang sariling restaurant sa Hawaii bago pa man siya nakilala sa naturang tanyag.

Naging isang artista at singer si Martin na kinikilala ngayon bilang multi-awarded singer-songwriter.

3. Piolo Pascual

Ang Ultimate Leading Man at Kapamilya hunk na si Piolo Pascual o kilala rin sa tawag na Papa P. ay una raw naging waiter sa kanyang high schoold days at naging isang security guard rin.

Ngayon, siya lang naman ang isa sa pinakasikat at nirerespetong mga aktor sa showbiz.

4. Jericho Rosales

Isa munang fish vendor si Jericho Rosales na tumutulong umano sa kanyang ina na isa ring tindera sa public market.

At naging isang food server nang nagdesisyon raw ang kanyang ina na magtrabaho sa restaurant.

Sa kagustuhan raw na magkaroon ng mabuting buhay, sumali siya sa Mr. Pogi ng Eat Bulaga at siya naman ay nanalo.

Pagkatapos ng dalawang dekada, isa na si Echo sa pinaka pinagkakakatiwalaan na mga primetime actors ng ABS-CBN.

5. Coco Martin

Si Coco Martin ay graduate umano ng Hotel and Restaurant Management, at naging restaurant staff sa Fairview branch ng Max's foodchain.

Isang araw raw ay isang customer ang nagbigay umano sa aktor ng business card na assistant director pala ni Johnny Manahan.

Dapat sana daw ay ilalaunch siya kasama ni Heart Evangelista ng Star Circle Batch 9 pero sinabihan ng lola na tapusin muna ang pag-aaral, na ginawa naman niya.

Ngayon, isa lang naman siya sa mga most prized actors ng Kapamilya network at super sikat sa kanyang teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID

Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID

Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel