Cherie Gil, ibinahagi ang kanyang natutunan sa pagbiyahe ng mag-isa

Cherie Gil, ibinahagi ang kanyang natutunan sa pagbiyahe ng mag-isa

- Sa nakaraang long weekend, ang Onanay actress na si Cherie Gil ay nagbiyahe mag-isa sa Vietnam

- Ibinahagi naman niya sa kanyang Instagram page ang kanyang karanasan sa kanyang biyahe sa naturang bansa

- Dito rin ay may napagtanto siya sa pagbabiyahe sa labas ng bansa mag-isa at ito naman talaga ay kakapulutan ng aral ng iba

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagtravel solo nga ang award-winning actress na si Cherie Gil sa Vietnam sa nakaraang long weekend at naispatan ng KAMI ang mga larawan ng batikang aktres sa kanyang social media account.

Gaya rin ng ibang nagbabiyahe, ang 55-year-old actress ay may interest rin na ma-explore at matuto ng iba't ibang kultura sa mundo, ayon pa sa GMA News Online.

At sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya kung ano ang nangyari sa biyahe niya at kung ano ang kanyang na-realize.

Saad pa ng Onanay actress na nag 2-day cruise daw siya sa Halong Bay, na isang Unesco heritage site at hindi raw niya na imagine na magcruise mag-isa.

Pero naging isang masaya at magandang experience naman daw ito lahat dahil na rin sa pag-aalaga ng kanyang mga kababayan.

Dito rin ibinahagi ni Cherie Gil ang kanyang natutunan sa pagbiyahe mag-isa.

Ani pa niya:

" It is during these moments when traveling solo gives one the privilege to be introspective while looking out into all the wonderful glory of God’s gift of nature. Reflecting on all the amazing blessings given and just simply being in the present moment. always With gratitude"

Bukod pa sa cruise, sinubukan rin ni Cherie Gil ang pottery making sa Hanoi, Vietnam at kitang kita naman na nag-e-enjoy talaga ang batikang aktres.

Talaga namang walang kapalit ang saya na naidudulot sa pagbiyahe mag-isa.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel