Star For All Seasons Vilma Santos, napakasimple lang na regalo ang hiling

Star For All Seasons Vilma Santos, napakasimple lang na regalo ang hiling

- Nagdiwang umano ng 65th birthday si Star For All Seasons Vilma Santos noong November 3, at ika-56th anniversary din pala niya sa showbiz

- Sa panayam ng mga press people sa batikang aktres ay tinanong ito ng maraming bagay sa kanyang mahigit 30 minutes interview

- Dito ay tinanong siya kung ano raw ang gusto niyang regalo sa kanyang kaarawan, at nakakamangha ang sagot niya tungkol sa regalo

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman nga ng KAMI sa isang entertainment media outlet ang tungkol sa birthday gift na gustong matanggap ng Star For All Seasons na si Vilma Santos sa kanyang 65th birthday.

Hindi gaya ng iba, hindi maluho o magarbong regalo nag nais matanggap ng batikang aktres sa mga pamilya, fans, at kaibigan na gustong magbigay.

Ani pa umano ni Vilma Santos, ang pinaka-itinatangi niyang regalo na praktikal din ay isang twalyito.

Noong unang taon, ang gusto niya ay panjamang pantulog, ngayon naman, ang nais lang niya ay isang twalyito o malambot na bimpo.

Saad pa raw ni Star For All Seasons na nadiriwang rin ng kanyang 56th anniversary din raw sa shwobiz:

“Alam niyo, hindi kayo maniniwala, sabi ko sa mga kaibigan ko, gusto ko, tuwalyita, yung bimpo. Kasi, gusto ko yung malambot lang."

Patuloy pa ng Congresswoman:

“Kasi, last year, sabi ko, kung gusto niyo akong bigyan, sabi ko, pajama lang para magamit ko. Tapos, tumambak naman ngayon yung pantulog kong pajama. Yung pantulog lang na cotton.Meron din, umuulan na rin ang regalo sa akin ng panyo.”

Dagdag pa raw niya ay huwag na daw mag-abala ang mga tao sa pag-iisip ng mamahaling regalo dahil mas maganda umano ang madalas na nagagamit.

Paliwanag pa ni Vilma Santos:

“Sa totoo lang, mas masarap yung mura.Kasi, sa totoo lang, bigyan niyo man ako ng mamahalin, 'tapos, nakatabi lang, di ko naman nagagamit."

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho

Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho

Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel