Swerte ni kuya! Vice Ganda, namigay ng bigating regalo sa driver ng tricycle na sinakyan niya

Swerte ni kuya! Vice Ganda, namigay ng bigating regalo sa driver ng tricycle na sinakyan niya

- Walang kaarte-arteng naglakad si Vice Ganda sa kalsada sa labas ng ABS-CBN

- Nakakita siya ng isang tricycle at excited siyang sumakay dito

- Ang hindi alam ni manong driver, may malaking regalo pala para sa kaniya ang aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa ilalim ng tirik na araw, namigay ng maagang pamasko ang komedyanteng si Vice Ganda sa isang tricyle driver na nakahalubilo niya sa labas ng ABS-CBN compound.

Nalaman ng KAMI na naganap ang pamimigay ng regalo habang nagho-host ang nasabing aktor sa noontime show na It’s Showtime.

Una nang pinamangha ni Vice ang mga netizens nang lumabas ito sa studio at sinuyod ang kahabaan ng kalsada kasama si Ryan Bang.

Dito ay binati at nakipagkamay siya sa ilang mga taga-suporta na napadaan lang o nagmamaneho ng kani-kanilang sasakyan.

Habang patuloy sa paglalakad ang Praybeyt Benjamin star, nakasalubong niya ang isang driver na nagmamaneho ng tricycle at agad siyang sumakay dito.

Ayon kay Vice, nami-miss niya ang mga panahon na palagi siyang sumasakay sa tricycle noong estudyante pa lamang siya.

Matapos ang joy ride niya kasama si Ryan at ang driver na nakilala bilang si Kuya Roel, napagdesisyunan ng Phenomenal star na kausapin ito at tanungin tungkol sa kaniyang pamamasada.

Narito ang video ng kanilang pag-uusap:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isa pang video, ipinaliwanag ni Vice na nais lamang nilang makapagpasaya ng mga tao ngayong darating na pasko.

Ito ang dahilan kung bakit tinupad ng aktor ang kahilingan ni Kuya Roel na magkaroon ng manika at bisikleta ang kaniyang mga anak at rubber shoes at handa para sa kaniyang asawa.

Bukod pa dito, binigyan din ni Vice ng isang bagong motor ang nasabing driver para magamit sa kanilang pang araw-araw na buhay.

Narito ang isa pang video:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, inamin ng Kapamilya celebrity kung gaano katindi at bigat ang depresyon na kaniyang naranasan kamakailan lang.

Si Vice ay isang Filipino comedian na bumida na sa ilang mga patok na pelikula katulad ng Sisterakas, Revengers Squad, at Beauty and the Bestie. Noong 2017, itinanghal siya ng Box-Office Entertainment Awards bilang Phenomenal Box-Office Star.

POPULAR: Read more news about Vice Ganda!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death! (Laughs evilly) – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID

Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID

Hindi naalala! Janno Gibbs airs disappointment to ABS-CBN for his exclusion in ASAP & Station ID
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel