Pangulong Duterte, nanguna sa pagbubukas ng kauna-unahang ‘landport’ sa Pinas

Pangulong Duterte, nanguna sa pagbubukas ng kauna-unahang ‘landport’ sa Pinas

- Binuksan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unang ‘landport’ sa bansa o PITX

- Proud na proud naman ang Pangulo sa project nilang ito

- Nagperform rin si Freddie Aguilar sa launching para kay Pangulong Duterte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Opisyal nang binuksan ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong Lunes at nanguna nga si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaganapang ito. Ang PITX ang kauna-unang “landport” sa Pilipinas at kasama nga ito sa ‘Build, Build, Build’ na programa ng Duterte administration.

Nalaman ng KAMI na kasama rin ni Pangulong Duterte si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, Megawide Chairman Edgar Saavedra at MWM Terminals President Louie Ferrer buksan ang PITX.

Sabi nga ng Pangulo sa kanyang speech, ang PITX ay isang ‘landmark project’. Nais din ng landport na maibsan ang masikip na traffic sa Metro Manila. Magsisilbi rin itong transfer point mula sa mga pang-probinsyang mga bus mula Cavite at Batangas. Hanggang 200,000 na pasahero raw ang kayang i-accommodate sa PITX ayon sa report ng ABS-CBN News.

Tila tuwang tuwa naman ang Pangulo sa kinalabasan ng PITX. Giit niya, “I am impressed. I am proud na ginawa nila itong magandang structure. It will serve the Filipino and that is what is very important to me," ayon sa report ng GMA News.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tampok din sa PITX ang ‘all-gender’ na comfort room.

Nagperform din ang OPM icon at senatorial candidate na si Freddie Aguilar para kay Pangulong Duterte. Inendorso rin ni Duterte si Aguilar para sa darating na eleksyon sa 2019.

Naiulat nga ng KAMI noon na may tatlong levels ang PITX. Batid din daw nito ang 'world-class' experience para sa mga Pilipino.

POPULAR: Read more news about President Duterte here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Scary Nun Prank Part 2 is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot the nun prank part 2– and we did it! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel