Benepisyo na maaaring makuha sa SSS kapag naalis sa trabaho, lusot sa Bicam

Benepisyo na maaaring makuha sa SSS kapag naalis sa trabaho, lusot sa Bicam

-Lusot na nga sa bicameral conference committee ng Kongreso at pirma na lang ni Pres. Duterte ang hinihintay para maipatupad na ang Social Security Act of 2018

-Sa batas na ito, maaaring makatanggap ang isang miyembro ng Social Security System (SSS) ng kaukulang halaga kapag ito'y natanggal sa trabaho

-Patuloy pa rin umanong pinagaaralan ng SSS ang magiging epekto nito sa kanilang pondo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para maipatupad ang Social Security Act of 2018.

Lumusot na kasi ito sa bicameral conference committee ng Kongreso.

Sa ilalim ng panukalang ito, maaaring makatanggap ng mga benepisyo ang isang miyembro ng Social Security System (SSS) kapag ito'y nawalan ng trabaho.

"Halimbawa tinanggal siya ng kompanya niya for whatever reason against his will... nagbawas ang kompanya dahil bahagi ito ng downsizing," ayon kay SSS President Emmanuel Dooc.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit maaari lamang daw itong ma-avail isang beses kada tatlong taon.

50 porsiyento o kalahati ng average monthly salary credit ng isang miyembro ng SSS ang maaaring maging halaga ng benepisyo para sa mga biglaang nawalan ng trabaho.

Ibig sabihin, halimbawa, sa mayroong P12,000 average monthly salary credit, P6,000 ang maaaring makuhang benepisyo, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Patuloy pa rin pinagaaralan ng SSS ang magiging epekto nito sa kanilang pondo.

Sa datos ng Bureau of Local Employment ng Department of Labor and Employment, nasa 30,401 ang nawalan ng trabaho sa unang hati ng 2018 o mula Enero hanggang Hunyo, ayon pa rin sa ulat ng ABS-CBN News.

Source: ABS-CBN News

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel