Mag-ate, emosyonal sa muling pagkikita makalipas ng 58 na taon

Mag-ate, emosyonal sa muling pagkikita makalipas ng 58 na taon

- Emosyonal ang pagkikitang muli ng magkapatid na sina Semiona Dumanog Casabuena at Hermehilda Dumanog Belangel

- 58 taon silang nagkawalay kaya di na nila inaasahan na magkikita pang muli

- Ang programang Rated K ang tumulong sa muling pagkikita ng magkapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

16 na taong gulang pa lamang daw noon si Semiona Dumanog Casabuena. At ngayong 75 taong gulang na siya, ay dala ng kanyang edad, nagiging makakalimutin na ngunit hindi ang mga alaala sa kanyang pamilya.

Dala raw ng kahirapan kaya naman nawalay si Semiona sa kanyang pamilya. Sinama siya ng kanyang pinsan sa Makati at doon naging tagaluto siya sa isang maliit na karinderya.

Mula noon, gabi gabi na raw umiiyak si Semiona na wala nang naging komunikasyon sa kanyang pamilya.

Ayon pa sa panayam ng Rated K, minsan na palang binalak ni Semiona na hanapin ang kanyang pamilya na siyang pinangako sa kanya ng naging mister. Ngunit dahil sa hikahos sa buhay, di na ito naisakatuparan.

Sa ngayon, kasama na niya ang siyam na anak niya sa Lipa Batangas at sila ang tutupad sa pinangako ng mister.

Sa tulong ng programang Rated K, natagpuan ang kapatid ni Semiona na si Hermehilda Dumanog Belangel sa Samar.

At gaya ng kanyang ate, naiisip din niya ito araw-araw. Dahil din sa kahirapan, di na niya nagawa pang hanapin ang matagal nang nawalay na ate.

Kaya naman labis na naging emosyonal ang magkapatid sa muli nilang pagkikita matapos ang 58 na taon.

Katunayan, di na nga raw nila inaasahan pa ng magkikita pa silang muli dahil sa lampas limang dekada na silang nagkahiwalay.

Malaking bagay sa buhay ng mag-ate ang muling pagkikita ngunit dahil sa may kanya kanya na silang pamilya, kinailangan muli nilang magkahiwalay. Ngunit ngayon, alam na nila kung saan hahanapin ang isa't isa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel