Dalaga, kausap pa ng kanyang ina sa cellphone nang ito'y patayin

Dalaga, kausap pa ng kanyang ina sa cellphone nang ito'y patayin

-Kausap pa daw ng kanyang ina ang isang college student sa Utah nang ito ay atakihin at patayin ng dati umano nitong nakarelasyon

-Ayon sa kwento ng ina nito, nagsinungaling umano ang suspek sa kanyang anak kaya agad na nakipaghiwalay ito

-Kinitil din nito ang sariling buhay bago pa man ito mahuli ng mga pulis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Narinig pa umano ni Jill McCluskey ang mga huling salita ng kanyang anak na si Lauren dahil magkausap pa sila sa cellphone nang ito ay atakihin at patayin ng suspek.

Pauwi na umano si Lauren sa kanyang dorm habang kausap ang kanyang ina nang ito ay patayin ng suspek.

Natagpuan ang katawan nito sa isang kotse sa parking lot ng residential hall ng campus na pinag-aaralan nito.

Agad na pinaghahanap ng mga pilis ang suspek na kinilalang si Melvin Rowland, 37, ngunit kinitil nanito ang sariling buhay bago pa man ito mahuli ng mga pulis sa isang simbahan.

Lumabas sa imbestigasyon, na dating nakarelasyon ng biktima ang suspect ngunit nang malaman ng dalaga ang pagsisinungaling nito tungkol sa totoo nitong pangalan, edad at criminal records nito, agad itong nakipaghiwalay noon pang October 9.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

October 10, nagreport pa ang biktima sa mga pulis at humingi ng tulong para maibalik ang kanyang sasakyan na nasa suspek pala, maging ang patuloy na pangha-harrass ng suspek dito.

Ayon sa record ng mga pulis, lumabas ang ilan pang mga kasong naisampa sa suspek kabilang ang pang-aabusong sekswal noong 2014 at ang pagkakakulong nito ng 9 taon dahil sa kaparehong kaso.

Source: Dearly, Fox 13

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Trending on number 9! Ang paghihimagsik ng karma kina Jade at Ace sa Halik

Trending on number 9! Ang paghihimagsik ng karma kina Jade at Ace sa Halik

Trending on number 9! Ang paghihimagsik ng karma kina Jade at Ace sa Halik
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel